30: The Day I Said Goodnight

15.5K 179 17
                                    

[DIANNE'S POV]

Asikasong asikaso ako the whole day. Feeling Cleopatra pa nga ako dahil sinusubuan pa ako ni Dave ng grapes habang nanonood ng tv.

Nakahiga kasi ako sa sofa at nakaunan ako sa lap niya.

"Baby water" bumangon ako saglit para kunin kay Dave yung baso at uminom ng tubig. Bongga! I so love it hahaha. Kanina pa niya kasi ako pinagsisilbihan kaya kinareer ko na.

"Thank you" inabot ko na yung baso para ilagay na niya ulit sa table sa gilid.

He looked at his phone. "Baby dadating na yung bago mong phone later" sabi niya.

"Wow ambilis naman, ang galing galing mo talaga, thank you" I kissed him. Bagong line yun at one digit difference from his number and Avie's. Sakanya pa naka-charge yung bill nun. Saka ko nalang daw asikasuhin yung old line ko kasi I can keep or cancel that naman. Ayieee may sugar daddy ako.

"Baby may kailangan ka pa ba?" he asked.

"Ok na baby unless gusto mo akong bilhan ng condo ok lang din" wahaha boss niya ako ngayon.

"Gusto mo ng condo? Saang location baby? Malapit sa hospital niyo?" he asked while scanning for something on his phone. "I'll just call someone para makahanap na ng condo na gusto mo, gaano ba kalaki?" he pressed 'call'

"Wait! Baby no! I was joking" sabi ko sabay agaw sa phone niya and I cancelled the call.

"Baby kahit ano nga, para sayo" He kissed me.

"Ok na, chill ka lang jan, masyado ka pang bata para maging sugar daddy ko" sabi ko. Grabe naman yung sugar daddy ko, willing to buy naman agad.

"Gwapo ko namang sugar daddy niyan" nakangiting sabi niya.

"DOM kamo" I smiled at him.

May lumapit samin na maid, "Sir si Ms. Sam po nanjan na po" Tsk yung babaeng yun nanaman. Ang hilig umeksena.

"Sige papuntahin mo na sa office" sabi ni Dave then he stood up. "Anjan na yung phone mo baby. I just need to sign a few documents. Para iyong iyo na"

"Owkie" parang bata lang akong umayos ng pagupo then he kissed my forehead before umalis. Ayaw kong makita ako ni Sam na nakahilata, wala lang, ampangit lang kasi hahaha.

Tumayo ako, magsusuklay ako sa taas, wahahaha ayaw kong makita niya akong magulo ang hair. Nakaka-challenge lang si Sam para sakin dahil feeling ko malapit siya sa level ko.

Nasa vanity set ako nung napansin ko yung naka-hanger na lab coat ko. Para kasing sa huling pagkaka-alala ko may tumawag sakin at nailagay ko sa bulsa ng coat yung phone ko. Hindi ko na naman kasi nagamit mula nung nakarating ako kay Avie kahapon.

I checked the pockets and I was right. Andun nga yung phone ko, wahahaha pero ok na yun at least dalawa yung phone ko. Same unit nga lang, kung alam ko edi sana iba yung hiningi ko kay Dave.

Ang alam ko nasa office sila nagpipirmahan ng terms and conditions at kung ano ano pang kaartehan para sa line.

Pupuntahan ko siya para sabihing sayang ang buwis buhay niyang effort para mapalitan yung phone ko. Kasi naiwan ko pala dito sa bahay, pero dapat akin na yung bagong phone.

Naalala ko tuloy yung sabi niya na ayaw niyang basta basta nalang pumapasok sa office niya. Bawal naman talaga dahil ang alam ko may cash drawer dun kaya bawal si Avie after the incident na lumayas siya.

Ako lang ang may karapatang guluhin siya kung kelan ko gusto.

Yup, sa kanya mismo galing yun pero dapat yung importante lang talaga at hindi para magsabi lang ng joke. Pero paki ko ba? 'Ako' ang eksaktong depinisyon ng 'importante' sa kanya hahahaha lumaki naman kagad ulo ko sa VIP treatment niya.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon