Daddy Wars

12.5K 136 22
                                    

[DAVE’S POV]

Bumusina na ako dahil ang tagal lumabas nila Avie. Ihahatid kasi namin siya sa mismong campsite nila. I rolled down the window sa passenger seat nung may dumaan na helper namin.

“Patawag naman sina mam mo, pakisabi baka abutin kami ng traffic kapag—“ Nakita kong lumabas na sina Dianne at Avie. “Ok na pala salamat nalang, pabukas nalang ng gate” Napakamot ulo nalang tuloy yung helper namin at saka lumakad papunta sa gate para buksan.

Dianne opened the car’s door at binuhat si Avie para isakay sa car. As usual Avie sits between us sa harapan then she hopped in and closed the door.

“Ok na ba? Complete na yung mga gamit mo baby ko?” I asked Avie.

“Yes daddy” Avie smiled at me. Excited talaga si Avie with her camping trip first time niyang malalayo samin without anyone to accompany her. Wahaha ang drama kong daddy. Pero mahirap naman kasi talagang hayaan ang baby girl kong pumunta sa gubat ng magisa. Hindi nga ako papaya kung hindi lang todo support ang mommy niya sa kanya.

“Beh everything’s ready, ako mismo ang nagcheck ng things ni Avie bago pa—“ She stopped when we heard someone knocking sa back seat. I unlocked the door at agad na pumasok sa backseat si Gabriel.

“Anong ginagawa mo dito?” Inis ako, bwiset naman, ano nanaman bang kailangan nito? Sumama din ‘tong kumag na ‘to kahapon sa recital ni Avie.

“Sasama sa paghatid kay Avie” Patay malisyang sabi niya at komportableng umupo sa likod. Aba’t bwiset talga!

“Daddy let’s go na, aabutan tayo ng traffic” Dianne reminded me. Ramdam na siguro niya na naalibadbaran ako kay kumag sa likod.

“Sige baby” I began driving.

Puro reminders si Dianne kay Avie para sa safety at first aid habang nasa car kami. Napapangiti nalang ako dahil for a mommy strict din pala si Dianne kahit pa mukhang maluwag siya kay Avie at madalas siyang pumayag sa activities.

“Baby hindi malilimutan ni Avie yan, kagabi ka pa kaya nagtuturo ng first aid” Actually dummy nila ako kagabi dahil ako ang ginawa nilang mummy sa kakakabit ng kung ano anong benda at first aid treatments kung sakaling may mapilayan o masugatan. Gustong gusto ko rin naman dahil masayang maging dummy ng CPR dahil sa demonstration ni Dianne kung papano ba magCPR ng tama kay Avie.

Masakit lang sa dibdib dahil sa paulit ulit na press ni Dianne sa dibdib ko hahaha pero she assured me wala naman akong fractures sa chest dahil she knows what she’s doing.

Kapag mali kasi ang CPR dun talaga nasisira ang chest cavity ng tao.

Ayun late kami at special entrance dahil nagtitinginan samin yung friends ni Avie. They all know Dianne’s car, ‘Doc Ganda’ rin ang tawag nila kay Dianne like her other patients. She looks too young daw kasi to be called ‘tita’. Hahahaha samantalang ako ang tawag sakin ‘Daddy ni Avie’ napaghahalataan tuloy na hindi ako active sa school activities ni Avie.

Inalalayan ko si Dianne at si Avie pababa ng car. Naunahan tuloy ako ni kumag na kunin yung mga gamit ni Avie sa compartment ng sasakyan.

Bwiset! Ano ba kasing gusto niyang mangyari?

“Pre ako na” Inagaw ko yung bags ni Avie kay Gabriel.

“Pre ok na, dala ko na eh” sabi ni Gabriel at saka nauna pang naglakad pasunod sa linya ng mga bata papunta sa area assigned kina Avie.

“Baby wag na, ok na, hayaan mo na si Gabriel, ang aga aga stressed ka na agad” Dianne held my hand habang hawak din niya sa kabilang kamay si Avie.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now