The Day The Love Died 2

9.9K 129 22
                                    

[DIANNE'S POV]

Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na sana masamang panaginip lang yung nangyari? Na sana pag-gising mo iba na yung makikita mo at walang katotohanan yung mga nakita at naranasan mo about a few hours ago. Na sana hindi nalang ganun yung kinalabasan ng mga past decisions mo.

Ang huling naalala ko we were in the ER. And I saw Avie in a stretcher. I fainted and wala na akong nakita after that.

The weird thing is that here I am now at a hospital bed. I moved my arm at may naramdaman akong kirot. I took my arm out of the blanket, saka ko lang napansin na merong IV sa kamay ko. May dextrose ako, but why? I was ok before I fainted.

OA lang siguro si Dave at ginamit niya yung administrative powers niya sa hospital staff.

Shoot! I have to go check up on Avie. She’s really hurt and I heard her cry nung nasa ER pa kanina. I trust the doctors here dahil bukod sa kilala ko sila personally at they’re all my friends, I know how good they are in their respective fields. Alam kong hindi nila papabayaan ang baby ko. Marami rin kasing staff ang nakaka-kilala at alam na anak ko si Avie.

Kalandian lang naman ni Dave yung IV ko so I pulled it out. Grabe oo nga, masakit rin pala kapag ikaw magtatanggal sa sarili mo hahaha ganito pala ang feeling ni Avie kapag siya yung nilalagyan.

Saka ko nalang napansin na naka-hospital gown pala ako kaya pala malamig. Manipis lang naman kasi ang mga tela ng hospital gowns or basta yung white na suot ng mga pasyente sa hospitals, usually may logo yung ng hospital kung saan ka naka-confine. Grabe, full effect talaga si Dave. Tsk! I stood up and wore the slippers provided. Walang senyales na nasa room yung mga suot ko kanina. Infairness ha? Yung pinaka-malaking room talaga yung kinuha ni Dave. Adik talaga yun e nakitulog lang naman ako dahil na-stress ako sa buhay ko kanina.

Haaay… Stress. Fear. Anxiety.

Naalala ko nanaman yung kalagayan ng baby ko. I have to get out. Pero nakapagtataka naman, bakit hindi pa kami pinagsama sa isang room ni Avie?

May robe sa bathroom ng hospital suite. I took and wore it immediately para makalabas ako at Makita kung ano nang nangyayari sa labas.

I opened the door and walked papunta sa nurse’s station ng floor. I looked at each door na madadaanan ko. Meron kasing labels yung mga katabing room kung sino yung naka-confine below the room number at kung magkahiwalay lang kami ni Avie ng room for sure magkatabi lang kami nun. Wala yung name ni Avie sa kahit isa sa mga doors.

“Saang room naka-confine si Avielle Marie Samaniego?” I asked the nurse on duty. She typed the name para ma-track down yung records kung nasaan ba si Avie.

“D-doc Dianne nasa ICU po” kinakabahan pa yung nurse na nagsabi sakin. I bit my lip and closed my eyes. I took a deep breath dahil I need to be strong. Avie needs me.

I went to my office. Meron akong spare set ng damit sa cabinet ko, pero this time scrubs yung sinuot ko. I want them to see my authority as a medical professional and then sinuot ko pa yung lab coat ko. Hahaha hindi ko pa pala napapalitan yung name sa lab coat ko ‘DM. Costello’ parin hahaha.

Takte anong klaseng nanay ba ako’t nagagawa ko pang magbiro samantalang nasa ICU si Avie. Haaay. This is so depressing and disappointing at the same time


Natitigilan yung mga hospital staff na nakakasalubong ko. Hindi kasi ako on duty pero nandito ako. Special case lang talaga dahil nga kay Avie.

Alam kong hindi ako papayagan ng management na makialam sa case ni Avie. Dahil nga we are emotionally involved at posibleng magkaron ng complications yung ganung system. The hospital wouldn’t risk that, and neither will I. I just want to see Avie at gusto kong makuha lahat ng info regarding her case. Doctor din ako at alam ko na hindi lahat sinasabi sa mga pasyente at kahit sa guardians nung pasyente.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon