46: Wag Kang Iiyak

11.9K 136 48
                                    

[DIANNE'S POV]

"Ayan! Ang tapang tapang mong makipag hiwalay, waley ka naman pala pagkatapos" pagalit sakin ni Doc. Girlie. Isa pa 'to, nalate lang sa meeting ng tribal council. Pero at least may sense namang kausap si Girlie

"Grabe masama na nga loob ko, dadakdakan pako" I continued crying.

"Aba kung hindi ka naman kasi isa't kalahating tanga at nagpadala ka kina Sabrina, edi sana hindi ka nag-iiiyak ngayon" sermon sakin ni Girlie. "Anong balak mo ngayon, nakapirma na siya"

"Ewan ko, para kasing hindi ko pa kayang ibigay yan kay Atty. Ramiro." nanghihina ang tuhod ko naiisip ko palang.

"Gaga! Edi sana hindi mo nalang inaway, nagmamaka-awa na naman pala sayo kanina" sumandal si Girlie sa swivel chair habang inuubos yung chocolate bits sa ilalim ng float na iniinom niya. "Isa ka pang loka loka Dianne eh"

"Girlie hindi naman kasi ganun kadali yun, he needed to hear those." sabi ko. Totoo naman kasi. Dapat alam niya na hindi na siya nakakatuwa.

"O e anong plano mo ngayon? Officially hiwalay na kayo" sabi niya.

"Hindi ko alam, hindi pa naman namin ipapa-alam sa mga bata hangga't hindi pa sila makakaintindi" Naman! For sure baka mag-emotional breakdown si Avie kapag nalaman niya. Kay Jayjay wala pa namang mashadong impact.

"Dianne ikaw ba hindi pa uuwi? Gabi na o?" Girlie reminded me. Nandito pa kasi ako sa condo niya.

"Uuwi na pala ako, thanks ha?" Sabi ko while I'm wearing my shoes.

I went home. Haaay.. Kay Avie nalang ako makikitulog tonight. Malaking kalokohan kung katabi ko si Dave.

Wala si Dave sa room nung pumasok ako. Baka he needed some time off dahil nga sa nangyari kanina. Baka nga lasing yon pag-uwi. Pero bahala siya, buhay na niya yon.

Tulog na daw si Avie and Jayjay pagdating ko. Sabagay 11 na ako ng gabi dumating.

Haay.. Kung weird ang feeling noong dumating ako sa bahay na 'to. Ngayon gloomy na.

Si Jayjay at si Avie nalang naman yung reason kaya ako andito. Haay.. Lumabas nako ng room at lumipat sa room ni Avie.

Napangiti ako sa nakita ko, kaya pala wala si Dave sa kabilang room. Kasi andito siya kina Avie. Magkakatabi sila sa bed ni Avie.

Binuhat ko si Jayjay, baka kasi mahulog siya kung nasa tagiliran siya ni Dave. Nilipat ko siya sa tabi ni Avie at saka ako humiga sa kabilang dulo ng bed.

I kissed Avie and Jayjay. Matutulog nako, mashado nang masakit ang araw na 'to.

I woke up sa room namin ni Dave. Hindi ko alam kung papano ako napunta dito. Baka binuhat ako ni Dave, but why? Wala naman akong maalalang may nag-babawal na doon ako matulog. Unless....

I got up and checked if my parents are here. Ayun lang naman ang pinaka maayos na reason kaya dapat matulog kaming magkasama.

Shoot! Bag ni mommy yung nasa sofa. Dapat makabalik ako sa taas!

"Dianna! Gising ka na pala, halika nga magusap nga tayo" ang weird, seryoso si mommy, hindi kaya may alam si mommy? Pero papano naman? Nagsumbong kaya si Dave?

Lumapit ako kay mommy, nag-echo ang malakas na tunog ng sampal sakin ng mommy ko sa sala ng bahay.

"Ah" I touched my cheek. Masakit ang nararamdaman ko hindi dahil masakit ang sampal sakin ni mommy kundi dahil first time akong nasampal ng mommy ko.

"Dianne" lumapit sakin si Dave. Nakatikim rin siya ng sampal galing sa mommy ko.

"Papano niyo na-atim na maghiwalay ha?! Papano yung mga apo ko?!" binulyawan kami ni mommy.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon