47: *Project: Daddy's Back

12.5K 131 5
  • Dedicated kay April Mae Aran Divina
                                    

[DAVE'S POV]

"Sir" Sam snapped her fingers at me. "Sir, pa-sign po" Saka lang ako natauhan.

I haven't slept for days, ilang araw na rin kasi ang nakalipas since everyone in my house left. Wala na si Dianne, wala si Avie at wala din si Jayjay.

Umuuwi nalang ako para mag-palit ng damit at matulog, minsan, umaalis na ako kaagad. Dati kasi naririnig ko pa yung iyak at irit ni Avie kapag may hindi siya nagugustuhan, dati nakikita ko pa yung ngiti ni Dianne na sumasalubong sakin pagkarating ko, at dati naririnig ko pa yung iyak ni Jayjay kapag gutom na siya o baka dahil gusto na niyang mapalitan yung diaper niya.

Ang lungkot sa bahay.

Nakaka-bingi yung katahimikan.

Nagpakalunod ako sa trabaho at nakalimutan ko sila, ngayon wala na sila dahil binawian na ako ng mga pang-babalewalang ginawa ko sa kanila.

Trabaho ang naiwan sakin. Dun naman ako magaling eh Kaya nga naiwan akong nag-iisa ngayon.

Kung sana huminto ako saglit para makausap ko si Dianne, kung sana lang sinilip ko si Avie kahit saglit lang sa room niya, kung sana lang nakapagbigay ako ng oras para mabantayan si Jayjay.

Kahit saglit lang sana..

Ilang segundo...

Ilang minuto...

Kaso hindi ako nakapagbigay..

Maling maling maling mali ang past decisions ko sa buhay.

Dapat yung mag-ina ko yung inasikaso ko, ngayon aanhin ko yung trabaho at pera.

I took the folder from Sam and signed, ok na pala yung gift ko dapat kay Dianne. Natatawa ako sa sarili ko, ang tanga tanga lang.

Wala na yung pag-aalayan ko ng success. Lumayas na, nakipag hiwalay na ulit at wala narin yung dalawang anak namin sa bahay.

"Sir sundan niyo po kaya si ma'am?" Sam asked me.

"Itataboy lang ako nun Sam" Hinilamos ko yung mga kamay ko sa mukha ko. Para kasing sumasakit na yung ulo ko, ganyan ang ilang araw nang walang tulog.

"Sir hindi niyo pa nga po ginagawa sumusuko na kayo kagad, o di kaya padalan niyo po ng flowers, ligawan niyo po ulit Sir" Sam suggested.

"Hindi na yon papayag Sam" Sumandal ako sa swivel chair ko habang minamasahe yung sentido ko.

"Sir basta paspasan na wala na po yung magagawa" sabi ni Sam.

"Sige Sam, salamat" I dismissed her so she'll stop talking. Baka mabato ko pa siya ng kung anong mahawakan ko. Mas na-fufrustrate lang kasi ako sa sinasabi niya.

May part parin kasi sakin na nagsasabing gawin ko nga yung sinasabi niya....

"Kayo rin Sir, alam niyo naman kung gaano ka-ganda si Ma'am Dianne, kapag 'yon nakuha ng iba na willing maging daddy kina Avie at Jayjay---"

"Sam! Pwede ba!" Nahampas ko yung desk ko.

"Sorry po sir" Lumabas na si Sam ng office ko.

Ang sakit sakit isipin na Dianne's with another man. Tapos yung lalaking yon na yung tatawaging 'daddy' ni Avie at Jayjay.

Mali.

Maling mali.

Abot langit ang gusto kong pag hingi ng tawad kay Avie at Jayjay. Hindi kasi ako marunong maging 'daddy'.

Marami akong what ifs. Marami akong pinagsi-sisihan.

Si Dianne dati yung may doubt na baka hindi niya kayang maging mommy, pero look at her now, she fought for the kids. And there's no doubt para kina Avie she's the best mom ever.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon