14: Zoo-per 'date'

20K 283 18
                                    

[DIANNE'S POV]

Wala na si Dave sa room pag-labas ko kaya mapayapa akong nakapagbihis ng pambahay ko. Hindi ko naman siguro kailangang mag-paka OA dahil nasa bahay naman ako. Masanay sila sa pambahay, nasa bahay ako eh bakit ba?

Bukas yung pinto ng room ni Avie at kita kong nag-bibihis din si Avie sa tulong ng isa niyang yaya.

Nasa hallway din si Michael at hawak pa ang door knob ng isa sa mga pinto ng rooms. Kalalabas din lang niya, nagshower siguro at nagbihis.

"Michael!" tawag ko sa kanya.

He looked at me and smiled. Saka lang ako lumapit sa kanya.

"Michael gala tayo sa zoo, maganda kasi yun as supplement sa lessons ni Avie at nakaka-build ng immune system dahil maraming germs dun" sabi ko.

"Talaga Dianne? Maganda nga yan, pero papayag naman ba si ever loving husband mong mukhang takaw na takaw sayo?" parang nagtatampong sabi ni Michael.

"Pumayag na. Hey! papanong takaw na takaw sakin?" na-intriga naman ako dun. May nalaman kaya siya?

"Kitang kita naman sa kung papano ka niya hawakan at tingnan mula pa kanina, ang swerte mo girl! Inggit na inggit ako sayo dahil jan sa hubby mong yummy" ako? tinitingnan ni Dave? hahaha Alam ko nang maganda ako at agaw pansin pero hindi ko ini-expect na manggaling pa kay Dave yung ganung klase ng attention dahil nga I know he hates me.

And I don't deserve that from him, he deserves someone better.

"Babawian ko nalang si Dave mamaya bago matulog hahahaha" tumawa din si Michael parang kilig na kilig naman siya.

"So game ka bukas ha?" I asked Michael, bukas lang kasi yung free time ko. Michael nodded. We exchanged numbers para makapag-coordinate kami para sa lakad bukas.

"Ma'am kakain na daw po sabi ni Sir" tinawag kami ng isang maid.

"Sige susunod nalang kami" I smiled at her.

I called Avie sa room niya at sabay sabay na kami nila Michael at Avie na bumaba para kumain.

They all stopped when they saw us coming. I'm talking about Dave's friends, nasa table na kasi sila at kumakain na.

"Dianne sorry hindi na kami naka-pigil, ang sarap kasi nung luto mo." sabi ng isang lalaki na alam ang name ko pero hindi ko naman kilala.

"Ok lang" I smiled at him, siyempre I'm a gracious host kaya dapat FC kapag kailangan hahaha

"Dave ipakilala mo naman kami sa asawa mong magaling magluto" sabi ng isang lalaki na nasa tabi ni Dave.

"Kailangan pa ba yun? Crush mo lang misis ko kaya gusto mong magpa-kilala, wag na" sabi ni Dave habang nagpa-papak ng tofu. Na-shy naman ako hahaha.

Hinampas si Dave nung lalakeng nagsalita kanina, sinalag naman ni Dave.

"Eto na eto na, ipapakilala na" natatawang sabi ni Dave.

He stood up at umakbay sakin. "Guys this is my beautiful wife, Dianne" at saka niya pinakilala isa-isa ang ilan sa business partners at friends niya from other companies na naka-trabaho niya sa mga projects.

I greeted them all with a smile, naks hahaha parang totoo. Hindi kasi ako comfy around them dahil nga sa nakita nila yung ilang portions ng kaluluwa ko kanina.

Umupo na kaming tatlo ni Avie at nagsimulang kumain. Natatawa ako everytime mahuhuli kong nakatingin si Michael kay Dave, ang sweet kasi ng idea hahahaha weird!

Umalis na si Michael after lunch, hinatid namin siya ni Avie sa driveway dahil ihahatid na naman siya nung driver.

"Meron pa bang naka-schedule na gagawin mo baby?" I asked baby. Ang alam ko kasi si Michael ang all-around tutor niya sa lahat ng subjects niya.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now