8: Wanted: Perfect Wife

23.8K 334 16
                                    

[DIANNE'S POV]

I regained my composure after ng pag-uusap namin kanina. Patay malisya lang siyang lumabas ng bathroom, as if I'm not here.  

Edi patay malisya rin ako, he came out with just a towel wrapped on his waist kaya ako din naka-tapis lang din ako ng towel when I came out of the bathroom.

Patay malisya..... Grrr... sige na nga titingin na!! Normal naman sa tao ang maging curious sa surroundings niya. At nagkataon na parte siya ng surroundings ko. Kaya titingin ako.

I mean nakatingin na ako kanina pa hahaha.

Hindi ako mahilig sa pandesal dahil mas gusto ko ang full meal tuwing umaga. 

Pero magbabago na ata ako ng balak tuwing breakfast. Kasi may nakahain na sa 'surroundings' ko.

And there's really six of them!

Nice ah, dati kasi flabby eh

He smugged "Mukhang nag-eenjoy ka sa nakikita mo ah" he picked a shirt then sinuot niya. Umiwas ako ng tingin.

"Ano namang makikita jan?" Kinuha ko yung lab coat ko na naka-hanger at saka lumabas ng walk-in closet. Nakapagbihis na ako. Mabilis lang naman kasi ako magbihis, matagal lang ako mag-ayos.

I sat on the vanity set's chair. "Pahiram ah?" saka ako nagpatuloy mag-ayos. 

He stood behind me, kita ko siya sa mirror na nagkakabit ng neck tie. Nakakairitang makita siyang magsuot kasi paulit ulit niyang kinakalas. I stood up nung matapos ako at inagaw ko yung pagkaka-hawak niya sa neck tie.

"Akin na nga!" Tinapik ko yung kamay niya nung aagawin niya pa ulit sana. Ako na yung nagtali. Ibinaba ko yung collar after ko ikabit.

Sabay na kaming bumaba. Siya na yung nagdala ng gamit saka lab coat kong naka-hanger at inabot sa driver para ilagay sa car. 

Nakaupo na kami sa dining table at nagstart nang kumain nung nakita ko si Avie

"Mommy!" lumapit sakin si Avie. "Mommy sabi niyo po di na kayo aalis" nagtatampo na si Avie.

"Baby I have to go to work eh Kasi diba nga maraming sick people that I have to take care of?" paliwanag ko

"Baby diba dadating si teacher Michael mamaya? May class ka baby" sabi ni Dave.

"But daddy---" may sasabihin pa sana si Avie but Dave cut her off.

"Baby pano yung lessons mo niyan? Ayaw mo bang maging doctor? Diba dream mo yun baby? " sabi ni Dave

She's just three. Pero may lessons na siya? And Avie can read too. Advanced talaga ang utak ni Avie kaya siguro OA si Dave sa pag-aaral ni Avie. Gusto din niyang maging doctor. Naks naman mana talaga sakin.

"Yes daddy, pero what if mommy doesn't come back?" worried si Avie na baka hindi na ako bumalik. Hostage nga pala ako dito. Avie kidnapped me sa pananakot na she'll stop breathing kapag hindi ako tumira dito.

Dave looked at me. Nang hihingi na ng tulong. "Baby babalik ako" sabi ko.

"Mommy sasama po ako.." parang aatakihin na ng tantrums si Avie.

"Baby no, makakaabala ka lang dun. Or kay daddy ka nalang sumama diba ok naman yung toys mo dun?" sabi ni Dave. Avie has toys in his office? Ang sweet naman niyang daddy.

"Eeee gusto ko kay mommy..." Well ganyan lang talaga ang magaganda laging pinipili hahaha

"Baby ganito nalang, I'll just call you kapag free time ko, ok ba yun baby?" nakatitig lang si Avie sakin parang tinatancha kung totoo ba yung sinasabi ko, feeling ko it's not gonna work.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now