19: Having Avie

18.5K 226 10
                                    

[DIANNE'S POV]

"O-o sige" sabi ko. Ayun lang nasabi ko. Nawindang kasi ako sa sungkitan ng mangga hahahaha

"Thank you!" He hugged me.

Oh shoot! I totally forgot about Avie's birthday.

"Dave, papano pala yung birthday ni Avie? May party ba? That falls on valentines day diba?" sabi ko. Haay that's two day from now nalang. Busy pa ako bukas kaya baka wala na akong maitulong.

"Uh yeah and yes, bakit?" he's smiling while he asked me.

"May maii-tulong pa ba ako sa preparations? Mejo busy kasi ako bukas dahil may surgery ako" sabi ko.

"Okey lang naman and besides may hired event organizers naman akong nag-aasikaso nun, all you have to do is to be there, be beautiful and tell people you're my wife and Avie's mommy" he guided me pabalik sa car. He opened the door saka niya ako alalayang sumakay ng car.

"Ayun lang pala, then why did you have to make it official?" Nagtataka kasi ako, his actions doesn't make sense. I asked him when he got in on the other side.

"Kasi you're not allowed to date or even entertain anyone else, that's why we made it official" nakangiting sabi niya.

Nagulat ako "Dave that's unfair naman sa side ko, diba sabi ko ayaw ko ng binabakuran ako?" naiinis na sabi ko.

"Dianne that's me making sure na walang ibang makaka-lapit sa mangga ko habang naghahanap pa ako ng panungkit" sabi niya and he started driving.

Hindi nalang ako umimik, wala akong makipag debate over his 'project: panunungkit ng mangga'.

Lights off na sa bahay pagdating namin ni Dave, nauna akong pumasok dahil magpa-park pa si Dave sa garahe.

Dumirecho ako sa room at nag-prepare matulog, tapos na ako when Dave came in at siya naman ang nag-prepare. Mabilis lang nawala si Dave at saka siya tumabi sakin.

"Dianne, maaga ka bukas?" He asked me.

"Oo"

"Till what time? Balak ko kasing pumunta na kami ni Avie sa bahay dahil sa last minute preparations ng party ni Avie" sabi ni Dave.

"Baka mga till 10 pm pa ako sa hospital eh" sabi ko

"Ganun ba, pwede bang pahiram ulit ng car mo? Ihahatid at susunduin nalang ulit kita" sabi ni Dave.

"Nawiwili ka sa na car ko ah?" natatawang sabi ko.

"It's a sweet ride, ok lang ba?" nakangiting sabi niya.

"Oo na sige na, yun lang pala eh sige na matutulog na ako maaga pa ako bukas" sabi ko at umayos ng higa.

"Thank you" sabi niya at yumakap sakin. 

Natuwa naman ata si Dave sa kakagamit ng car ko. Maniningil ako ng pang-gas sa kanya bukas hahahaha. Nakatulog ako dahil sa pagod, mahaba rin naman kasi yung ginawa kong kakabasa the whole day

5:30 ako nagising, hindi pa nag-aalarm yung phone ko. Bumangon ako at pumunta sa room nila mom. I knocked and came in kasi walang sumagot. Tulog pa sila pag pasok ko, katabi nila si Avie.

I stood and watched Avie sleeping.

"Dianna, bakit?" gising pala si mom.

"Wala naman po mom, I just wanted to greet Avie kasi birthday niya bukas" sabi ko kay mom.

"O? Bakit hindi niyo nasabi samin ng daddy mo?" nagulat pa si mom, nalimutan kong wala pa nga pala silang briefing sa important dates tungkol sa amin.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon