La Isla Dianna

11.3K 162 33
                                    

[DAVE'S POV]

%&#%&@%^$^&! @#$^#%*##$%@! #$%^$%^*#%^!

I couldn't help but smile kahit umuulan ng mura at wala akong payong. I missed her so much. Siguro nga may weird na pagkagusto ako tuwing galit na galit siya sakin.

"Hi baby ko I missed you too" I bent down and sat on the bed. Dianne stopped dahil hingal na hingal narin siya sa kaka-mura sakin. I kissed her forehead. Ang bango bango parin niya kahit two days na siyang bed ridden at walang ligo. Wala kasi sa calculations nilang hindi pa pala nakakapagpahinga si Dianne. Air conditioned naman yung room kaya mahimbing talaga ang tulog niya at comfortable naman yung pagpapahinga niya. In short hindi siya pinagpawisan. Papayag ba naman ako? Shempre hindi.

Sobra tuloy yung effect ng gamot at nagshut down talaga yung katawan niya na inabot ng dalawang araw.

Overworked naman kasi kaya tama lang na makapag-pahinga siya. Pagod na siya emotionally, at eto pa, yung katawan naman niya yung pinapagod niya ng todo.

"Pinakidnap mo ko? Nasisiraan ka na ba ng bait?" She asked kahit nang hihina pa siya dahil hindi pa siya nakakabawi sa kaaksigaw niya.

"Oo, sirang sira na. Baby how would we be able to talk kung alam kong tatakasan mo lang ako at hindi ka na makikipagusap na hindi dadaan sa lawyer mo?" That's how we've been communicating. Lawyers nalang namin yung nag-uusap. Nakakabaliw talaga dahil ang hirap niyang spelingin. "And besides, sobrang safe ka naman nung dinala ka dito".

"You drugged me! San banda ang safe na tinurukan ako in a moving van?!" Masama talaga ang loob niya dun. Eh gamot lang naman at doctor naman siya hehehe

"Technically, I didn't. Baby professionals took care of you, papayag ba naman akong mapahamak ka?" Dianne didn't respond to me. Parang nagiisip siya at saka may narealize.

"You hired my friends to abduct me, didn't you?!!" Pasigaw nanaman ang tono niya. "I know those hands! Kaya pala! Nako kapag nakawala talaga ako dito, pagbubuhulin ko kayong lahat!" Now she knows I hired her tribal council.

Muntik pa nga nila akong I vote out ng island. Hahaha hindi ko talaga napigilang matawa noong kinikwento nila yung plano kung papano nila kikidnapin si Dianne. Natakot din ako when they mentioned something about the drug to be injected, pero may tiwala naman ako sa mga kakayahan nila dahil they're the best in their respective fields at alam kong hindi nila hahayaang may masamang mangyari kay Dianne.

"Baby kaya nga hindi ka pa pwedeng makawala jan. Para sa kaligtasan narin naming lahat" Ang totoo natatakot din ako dahil baka OPERAHAN niya ako ng wala sa oras.

I took my shoes off at saka ako umakyat sa kama para tumabi sa kanya.

Umiilag pa si Dianne pero wala rin naman siyang magawa dahil nakatali nga siya sa kama. "Baby don't pull too hard, baka masaktan yung mga kamay mo" Nagpupumilit parin kasi siyang makawala.

"Edi sana pinapakawalan mo ako kung ayaw mong nasasaktan ako ngayon" Ewan ko kung bakit pakiramdam ko dalawa yung gustong ipahiwatig ng sinabi niya. Pero wala akong pakialam eh hehehe nandito naman kami for one reason.

We'll save our marriage, kahit santong paspasan pa.Magka-kidnapan na kung kidnapan, basta dapat maayos namin.

"Baby gutom lang yan. mas prone daw sa pain ang tao kapag gutom. Saka two days ka naring tulog---" She cut me off. 

Her eyes widened. "That long?! May balak ka ba talagang patayin ako ha?! Papano kung hindi na ako nagising ha?! Alam niyo bang blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah  blah........." Mahaba pa yung pagalit niya hindi nalang ako nakinig dahil gising na nga siya ngayon at tinatalakan na ako. I crawled near to the side table habang wala pa siyang tigil sa pagtalak. I uncovered the tray habang naglilitanya pa si Dianne.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon