10: I Smell Bitterness In The Air

24.8K 338 13
                                    

[DIANNE'S POV]

Huminto na kami sa gilid ng isang bahay. Feeling ko may masama nang balita dahil meron nang yellow na ilaw sa loob. Hindi kaya?...

"Wala na si Lolo" sabi ni Dave at binaba niya yung hawak niyang phone.

"Ok ka lang?" I looked at him.

"Yeah I'm fine, pwede ba nating gisingin si Avie?" he asked me.

"Baby? We're na" Avie just moved to make herself comfy on my lap.

"Bubuhatin ko nalang" sabi ni Dave at saka sinubukang buhatin si Avie. Nagpumiglas at umiyak si Avie.

"Dito na muna kami ni Avie, go tell them we're here, susunod nalang kami ni Avie kapag ok na siya" sabi ko kay Dave.

Dave nodded at bumaba sa van. He went in may napansin akong commotion. Baka pinagkaguluhan siya doon sa loob. Ilang taon din naman kasi siyang hindi nakita ng family niya, pero papano kaya kapag ako na yung pumasok? Baka naman kuyugin ako at bugbugin.

"Mommy.." umungot si Avie. Masama ang gising ni Avie dahil sa sapilitang pag buhat sa kanya ni Dave.

"Baby gising na nandito na tayo, you'll meet lola na" Yumakap lang sakin si Avie kaya binuhat ko na siya. Bumaba kami ng van at naglakad ako ng onti habang nagssway kay Avie.  

Baka kasi mabawasan yung sumpong niya kapag napaidlip pa.

"Good evening miss, kakilala mo ba yung mga nasa loob?" Tanong ng isang lalake sakin.

"Ahh hindi po eh pero family po sila ng asawa ko" sabi ko. Kinilabutan ako sa pagkakabanggit ko ng word na asawa. Ang weird pakinggan.

"May asawa ka na?" parang nagulat pa si manong.

"Opo, anak ko ho" ipinakita ko pa si Avie.

"Sino palang asawa mo? Taga rito ba?" tanong ulit ni manong.

"Si Dave po, David Samaniego po" sabi ko

"Parang naaalala kita, ikaw ba yung tumakbo sa simbahan noon? Buti at kayo parin ang nagkatuluyan" Awch ayan na.

The torture begins.

"Ahh buti nga po eh, hindi pa po kasi ako handa dati" napangiti ako kay manong.

"Bakit hindi ka pa pumapasok doon?" tanong ni manong.

"May sumpong po kasi yung baby ko at ayaw magpakarga kanina sa daddy niya kaya dito muna kami" sabi ko kay manong.

"Ineng pumasok ka na at baka mahila ka ng kung ano mang elemento dito, napaka ganda mo pa naman, maraming loko kahit dito pa sa probinsya" sabi ni manong sakin at nagpatuloy na siya ng lakad papunta sa kalsada. Naks ah buti pa si tatang alam ang meaning ng kagandahan.

Nagulat ako nung nakita kong nasa likod ko na si Dave. Ang lapad ng ngiti niya

"Nakausap mo pala si Tito" sabi ni Dave.

"Uncle mo?" I asked.

He nodded "Pinsan ni mama, ansarap palang pakinggan kapag ikaw yung nagsabi ng 'asawa ko', kapanipaniwala baka malinlang nanaman ako" he smiled bitterly.

"Dave I---" he cut me off

"Hindi ka pa pala handa noon, bakit pumayag kang magpakasal?" kumain yata siya ng ampalaya, bitter words are coming out of his mouth.

Malamang! Mahal na mahal kaya kita noon!

"Dave I'm sorry" tumulo yung tear ko, he wiped it with his thumb.

"Hayaan mo na yun, tapos na eh at ang tagal na nun, naka-move on na" sabi niya

"Mapapatawad mo pa ba ako?" I asked hin.

My Genetically Modified LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz