26: When the Truth Catches Up

15.3K 211 32
                                    

[DAVE'S POV]

Nageenjoy kami ni Dianne sa panonood ng iba pang performances. May naramdaman lang akong tension sa kanya nung yung performance na nila Sam yung sasayaw sa stage.

Ayaw mang aminin ni Dianne alam kong nagseselos siya kay Sam o kung hindi man nate-threaten siya.

Pero bakit naman kaya? Wala naman kasing kung ano sa pagitan namin ni Sam dahil ang alam ko may boyfriend siya.

I looked at Dianne na nakakalong parin sakin. Nakaka distract ang maputi at makinis na balat niya, nabubuhayan ako ng dugo.

"Baby nagugutom nako" bulong sakin ni Dianne.

I called the waiter at agad naman siyang lumapit, inabot ko kay Dianne yung menu.

She ordered while smiling at the waiter. Natigilan naman yung waiter at nakatitig lang kay Dianne. Nainlove na yata.

Tsk! Kahit saan nalang!

"Baby what's wrong?" she asked me.

"Wala baby" I continued patting her thigh. Kumakalansing yung maliit na chimes sa costume ni Dianne.

Naghiyawan yung mga tao bigla kaya napalingon ako sa stage, may fire dance pa pala sila Samantha. Magandang tingnan dahil madilim at naeemphasize nun yung costume nila. Puro dalaga yung nagpeperform kaya magandang tingnan yung performance nila.

Biglang may kamay na humawak sa baba ko, hinila ako at mukha ni Dianne ang una kong nakita.

"Hi baby!" I smiled at Dianne, parang mainit ang ulo niya, nabanggit ko na namang nakakatakot si Dianne kapag galit diba? Parang doble ata yung init ng ulo niya ngayon. 

Pinagpapawisan ako, hindi dahil natuturn on ako tulad kanina sa performance niya kundi dahil sa nagbabadyang gera at alam kong tadtad ako ng bala pagkatapos.

She patted my cheek "Behave ka baby ha?" banayad at sweet yung pagkakasabi ni Dianne pero I know may halong banta yun. That's how much I know her.

"YES MA'AM" sabi ko.

"Good" she kissed me.

Dumating yung food ni Dianne kaya akala ko aalis siya sa pagkaka-kalong niya sakin. Pero she didn't, sinusubuan pa niya ako habang kumakain siya.

"Baby hindi ako mahilig sa veggie salad eh" sabi ko nung puro gulay na yung sinusubo sakin ni Dianne.

"Say aaa.." sabi ni Dianne.

"Baby" I stopped her hand.

"Hindi mo kakainin?!" tumaas ng onti yung boses ni Dianne.

"Baby eto na kakainin na wag na magalit" sinubo ko na yung nasakamay niya.

"There very good! Ikaw naman kasi baby dapat hindi mo pinapainit ang ulo ko dahil alam mo namang masama akong magalit diba?" she smiled sweetly at kinurot pako sa pisngi. Masakit dahil gigil siya.

"Baby wala ka namang rason para magalit eh" sabi ko habang nginunguya parin yung sinubo niyang gulay.

"Talaga lang ha?" she faced sa gilid at napalingon din ako. Nakatingin si Dianne kay Sam. Tulad niya hindi pa din si Sam nakakapagbihis kaya suot pa niya yung damit nila nung nagfire dance sila. Mas maikli yung damit ni Sam kesa sa damit ni Dianne. Tiyan lang kasi yung kitang kita kay Dianne dahil natatakpan yung gold niyang maikling shorts nung mga telang part ng costume, samantalang si Sam naka bikini top ng swimsuit at maikling cover lang yung skirt.

Masama nanaman ang timpla ni Dianne pag tingin sakin. "Bat dun ka nanaman nakatingin?" she asked me.

I breathed in para bumuwelo ng paliwanag. "Baby---" she walked out on me again. Napaigtad din ako dahil inapakan pa ni Dianne ng todo yung paa ko pagka-alis niya sakin.

"Ahg!" hinawakan ko yung paa kong inapakan niya. Buti nalang nakatsinelas lang si Dianne, kundi patay ako sa takong ng sapatos niya kanina. I excused myself sa mga tao sa table namin.

"Dave mukhang mainit ang ulo ng asawa mo ah? Naglilihi ba?" tanong ng isa sa managerial staff kong mejo may edad na. Kanina pa siya nangiti kapag nagsosorry ako

"Hindi ko pa po alam e, sa palagay niyo po?" nakangiting sabi ko.

"Para ka kasing pinaglilihian, ganyang ganyan yung asawa ko noong first time magbuntis" paliwanag niya.

Parang may missiles sa dibdib ko.

EEEEEEEEEEEEIIIIIIIIIIIIINNG!!!!

EEEEEEEEEEEEEEEEEEIIIIIIIIIIIIINNG!!!

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEIIIIIIIIIIIIINNG!!!!

BOOM!

BOOOOOOOM!

BOOOOM!!!!!

Namutla ako. 

May hindi ako sinabi kay Dianne.

"Sige po salamat" I ran papunta kay Dianne. Baby nasan kaaaa?!!!! tinakbo ko papunta sa cottage namin, buhay ang aircon kaya baka andun siya.

I rushed in. May tao sa bathroom. Naliligo si Dianne. Napaupo ako at sumandal sa pinto.

Napakamot ako sa ulo ko. Sh*t! Papano ko sasabihin sa kanya. She'll kill me, or worse she'll hate me.

Ayos na kami, bakit ba kasi hindi ako nagiisip???! Gusto kong magwala.

She's not ready. Nakita ko pa nga yung pagiyak niya nung naisip niya yung possibility.

Ambobo ko.

The door opened. Natumba pa ako sa paanan niya.

"Baby I'm sorry" lumuhod ako sa harap niya.

She looked down on me and said "O? Bakit?"

She has no idea with what kind of situation I might've put her in.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon