37: Goodbye Dati naming Buhay

15.7K 174 34
                                    

[DIANNE'S POV]

"Iho, iingatan mo si Dianne ha? Lalo pa ngayon na nagdadalang tao pala siya" sabi ni Father Emil kay Dave. Si Father Emil ang pari na nagkasal samin ni Dave. Matagal ko nang naging parang kaibigan si Father, nagawi na kasi kami nila mommy dati dito and sumama ako sa rescue mission noong nasalanta sila ng bagyo. Kaya napalapit ako kay Father. He knows about what happened between me and Dave.

"Dianne, iintayin ko kayo sa binyag ni baby Deedee ha?" he reminded me. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Dave na dito ko rin ipinangako ang binyag ng magiging anak namin ng lalakeng kakaladkarin ko sa altar na yun. Wahahaha, siguro naman hindi naman siya magagalit. Dahil ako naman ang boss niya.

Dave looked at me. Parang sakin niya ipinapaubaya yung sagot sa binyag ni Deedee. Grabe?! Hindi pa nga lumalabas at baka nga hindi pa nadedevelop ng buo si Deedee binyag na agad ang topic nila?? Hahahaha excited lang?

"Sige po Father" I smiled at him. Huminto kami nung malapit na kami sa car. Hinatid kami ni Father para daw makausap pa niya kami.

"Sige, ingat kayo pa uwi, Dianne dalhin niyo naman next time dito yung panganay niyong si Avie ha? Iintayin ko kayo" nakangiting paalam ni Father habang binubuhay ni Dave yung makina ng car at aircon. Ayaw ko kasing sumasakay sa mainit na car at hindi rin naman pumapayag si Dave na ganun.

"Dave ingat sa pagmamaneho ha? Be a good husband and father and God bless you, your wife and your children" Awwww.... don't worry po, sure na sure, ganyan na ganyan si Dave. Ayieee! Ganyan ba pagbagong kasal???? Hahaha parang loka loka lang.

"Dianne, yung promise mo?" ngumiti lang ako kay Father. Kung ano may yun, secret nalang namin ni Father yun. Nagtatakang tingin ang natanggap ko kay Dave. I smiled at him nalang.

"Hala sige, ingat kayo ha?" nagpapaalam parin si Father habang inaalalayan ako ni Dave na sumakay sa car.

"Sige po" sabi ko at may napansin akong inabot ni Dave na nakasobre. Donation siguro yun sa simbahan.

"Ano yung inabot mo kay Father beh?" I asked him. Dapat walang secrets, magasawa na kami eh hahahaha

"Tulong sa simbahan baby" sabi niya saka he closed the door ang fastened his seatbelt.

"Really? How much?" The envelope was very thin, baka naman 100 pesos lang inabot niya nakakahiya naman kay Father. Edi sana ako nalang nagbigay para 1000. Hahahaha

"Just a couple of hundred thousands, tumatanggap naman sila ng check diba baby? Ginawa ko nalang pay to cash" I felt my jaw drop. Sige na siya nang mayaman. He looked at me, "Bakit?"

"W-wala naman" Grabe ha? Pahiya naman ako dun. Hahaha

"Kulang ba baby? Dadagdagan--" He was about to pull out his checkbook. I stopped his hand.

"No, ok na beh, san na pala tayo pupunta?" Wala kaming plano after ng wedding, sobrang ambush naman kasi talaga hahaha.

"Saan mo ba gusto?" binalik lang niya sakin yung tanong ko.

"Hindi pako nakakapagdecide eh, pero kain na muna tayo nagugutom nako eh" sabi ko then he started the car.

Nakalabas na kami sa compound ng church at malapit na kami sa community kung saan kami nagmedical mission dati.

"Baby! Wait Pull over!" Sabi ko kay Dave, nagpanic tuloy siya at saka iginilid yung sasakyan.

"Baby bakit?" he asked.

"Baba muna tayo dito, I want you to meet a few people" I removed my seatbelt.

I-tinour ko muna si Dave sa palibot ng community. Nag-emote kami ng onti while holding hands at pinakilala ko na si Dave officially as my husband. Nakakatawa na nga yung sound ng "asawa ko po" kasi kanina pa paulit ulit.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now