21: Dancing Away With My Heart

18.2K 222 30
                                    

[DIANNE'S POV]

Meron pa palang iba pang performances bukod sa drama ko. Buti nalang malilimutan agad yung kahihiyang ginawa ko hahahaha 

Favorite kong song kasi yun. Nakakainspire kapag papakinggan sa morning.

Kanino dedicated yung song? Ahmmm..... Kay ***** hahahaha

Pasuspense ako noh? At least hindi ako paasa, hindi lang ako mahilig magpaintay kung alam ko namang wala akong maii-offer.

Si Dave kaya umaasa? Itatanong ko ba? Malamang wag. Parang ewan lang hahaha

I looked at him. Nasa tabi ko lang naman siya eh at naka-akbay siya sakin habang nakaupo kami. Nanonood kami ng magic show ngayon, ang alam ko nakita ko na sa tv yung nagpeperform. Marami namang nag-eenjoy so far. Karamihan naman kasi ng guests mga anak rin ng business friends ni Dave. Andito rin sila, kasama yung mga asawa nila. Kasi nga bukod sa birthday party ni Avie, valentines party rin.

"Dianne halika muna, ipapakilala kita kay......" wala akong maalalang pangalan sa dami ng pinakilala sakin mula pa kanina. Sumasama nalang ako at nagpapakilala. Marami ring humihingi ng business cards ko, magpapagawa na tuloy ako ng bagong batch dahil more than half na yung nabawas sa previous batch na pinagawa ko.

Ang maganda lang dun maraming magpapaconsult hahaha. 

Makakabili na ako ng bagong car ulit. Wahahahaha

Lumapit kami sa isang table at ipinakilala nanaman ako after nilang mag-kamustahan.

"Ma'am, Sir, kailangan niyo pong maglead sa dance floor" hinihingal na sabi samin ng coordinator. Siguro kanina pa niya kami hinahabol.

Wait, mag lead sa dance floor? Ano nanaman kaya yan?

"Sige" sabi ni Dave sa kanya and he excused us from the guests. HHWW kami papunta sa gilid ng stage. Hahaha ang corny.

"What'll we do?" I asked Dave.

"We'll lead the dance, tayo ang may pasimuno nito eh" sabi ni Dave then he guided me papunta sa gitna ng dance floor. Sanay ako sa ganito dahil suki ako when it comes to dances, pila pa nga kasi minsan yung mga gusto akong isayaw hahahahaha Yabang lang ano? Pero what can I do? Totoo naman kasi. Pero this one, I mean dancing with Dave kinda feels different.

Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit, dahil siguro kapag nagkamali ako iaasar niya yon at tatawanan ako ng isang linggo.

O baka dahil it's been a while since I danced.

O baka dahil kung ano ano pang iniisip ko kahit nasa gitna na kami at nilapat na niya yung mga kamay ko sa balikat niya habang nasa waist ko na yung arms niya.

Parang hindi ako makahinga, hindi naman siya hapet kumapit tulad ng iba pero pakiramdam ko sobrang lapit niya sakin. Naiilang ako. Ang weird. Hahahaha panikera???

Parang wala ako sa sarili ko while we slowly moved.

"Relax, hindi ka naman kakainin ng buhay ah?" he whispered at my ear. Parang bingi ako sa music that time, it's like all I could hear is my heart frantically beating.

Wow! Spell......... Tsk never mind...... Hahahaha

"Relaxed naman ako ah?" I can't let him win, aasarin niya ako mamaya.

"Ang lamig kasi ng kamay mo" sabi ni Dave. Shoot! Isip!!!

"May hawak akong juice kanina kaya malamig kamay ko" palusot ko.

"Ah ganun ba? Akala ko kasi kinkilig ka din" nakangiting sabi niya. Kinikilig siya? Ayieee hahahaha

"Bakit naman ako kikiligin? E amboring mo kayang kasayaw" biglang sabi ko.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now