Twists and Wrong turns

10.3K 128 28
                                    

[DAVE’S POV]

“Sir may envelope po para sa inyo” I looked up at Sam. She placed the envelope on my desk.

“Kanino daw galing?” I took the envelope and examined it. Hindi kasi umi-imik si Sam. May masama akong kutob sa kung ano nanaman yung laman ng envelope. May traumatic experience kasi ako sa mga ganyan lalo na kapag sa abogado galing at naglalaman ng mga papeles na nagsasabing maghihiwalay kami ni Dianne.

“Inabot lang po yan kanina sa front desk sir” sabi ni Sam.

“Tapos sinabi specifically na para sakin yan?” Whoa? Hindi ba mahigpit ang security ng office building ko at basta nalang nakakapasok ang ganitong klaseng mail?

“Yes sir, hindi naman po namin pwedeng buksan yan dahil para sa inyo po yan, we had it checked naman po for threats and wala naman po kaming na-detect.” Paliwanag ni Sam.

“Ah ganun ba?” Hindi naman siguro ako ipapahamak ng staff ko. I opened the envelope and pulled out the thick stack of papers from it.

Tsk! Pictures lang naman pala. And they were taken sa labas ng isang bar. I know that place, ang alam ko favorite bar yan ni Dianne. Naikwento naman niya sakin yun, wala lang kaming time na pumunta dahil nga busy kami pareho.

I kept flipping the pictures, biglang sumulpot si Dianne sa gilid. At habang sunod sunod ang paglipat ng pages parang storyang nagkukwento sakin na may kasunod siyang lalaki. At hinatid siya sa sasakyan niya. Alam kong recent yung pictures dahil bukod sa time and date stamp sa gilid ng pictures, naaalala ko yung damit na suot niya dahil kasama niya ako noong binili yon. And malinaw na malinaw yung kuha na suot niya rin yung relong regalo ko.

The guy opened the car’s door for Dianne. Normal naman yun, gentleman lang siguro yung lalaki—Sh!T!

The man leaned over and kissed Dianne habang nakaupo siya sa loob ng car.

And that was the last picture.

What the f*ck?!                                                                      

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Mahal ko si Dianne, mahal na mahal. Pero ano nanaman ba ‘to?

Masaya naman kami ah? Bakit ganun? How could she do this?

I leaned back, rested my head and closed my eyes. Malinaw na malinaw sa pictures that she had a great time with this man. Naka-ngiti kasi sila pareho habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Dianne. Ang sakit sakit sakin. Gusto kong magalit at magwala.

Bakit ganun? Hindi ba ako sapat para sa kanya? Ginagawa ko naman ang gusto niya at lahat ng ikakasaya niya. Hindi pa ba sapat ang lahat ng binibigay ko?

“Sam uuwi na ako” sabi ko kay Sam and nagayos ako ng gamit ko dahil wala na akong ganang magtrabaho ngayon dahil sa nalaman ko. Gusto kong sumugod sa ospital ngayon, gusto kong sa kanya mismo manggaling na hindi kami masaya kaya may iba siyang lalaki.

Wala ako sa sarili habang naglalakad ako papunta sa parking lot. Iniisip ko pa kasi ang dapat kong gawin sa situation namin ni Dianne.

Hindi ko alam kung anong klaseng spirito ang sumapi sakin pagsakay ko ng sasakyan. Saka kasi bumugso ang galit ko. Ngayon ko lang siguro na-absorb na masakit ang ganun.

Matagal nang issue samin yung ganun, pero she assured me na wala siyang ibang lalaki kahit nakatalikod ako. Hindi naman naging problema yun kahit kailan samin. Ngayon palang.

Tsk! Bakit ngayon pa kung kelan may mga anak na kami. Take note, "mga". Mga anak namin dahil dalawa na ang baby namin ni Dianne.

Is that her reason? Hindi na ba exciting ang buhay namin? Does she want her old life back?

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon