Kidnapped??

10.9K 151 34
                                    

[DIANNE'S POV]

"Doc Dianne hindi ka pa po uuwi?" I smiled and umiling ako as an answer. Nagpa-alam na yung mga nurses na assigned sa huling shift para mapalitan na sila nung kasunod na batch for the next shift.

I looked at my watch. Iba na yung watch ko, nahihirapan lang kasi ako tuwing makikita ko at maa-alala yung kung ano man yung ginawa ko noon sa watch ko at yung nauna pa dun.

I miss Avie. Ayan iiyak nanaman, sabi nang tama na eh

Kaya wala akong balak umuwi sa condo eh, ayaw ko kasing mag-isa dahil iiyak lang ako. Mahapdi sa mata at hindi na healthy.

Wala na akong kwentang mommy kung wala. Kahit si Jayjay kasi ilang months ko naring hindi nakikita. Gusto ko siyang makita sa bahay pero kasi hindi pa ako handa. Sinubukan akong tawagan at kausapin ng parents ko so I’d come home. This time wala talaga akong nagging response.

Hindi ko gustong malaman ang mga detalye ng burol ni Avie. Ayaw kong ako ang pumili huling ng dress niya. Ayaw kong maging part ng pagsend away sa baby kong cute.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makitang wala na si Avie. Ayaw kong malaman kung anong itchura ng baby ko na mukhang natutulog lang daw. Pero habang buhay.

Wala akong kwenta. Bakit meron ba? Edi kung meron sana buhay pa si Avie. Kompleto pa kami at masaya kami ngayon.

Bitter.

Oo naman, bitter parin ako. Everytime I close my eyes all I could see is Avie. Yung panahon na kailangan niya ako. I heard her cry in pain, pero naging mahina ako. Kung sana hindi ako nang hina--------

"Doc Dianne" I stopped walking dahil nga tinawag ako. Pag-lingon ko isa sa mga administrators yung tumawag sakin. He knows asawa ako ni Dave. May pagka-sipsip kasi siya kay Dave dahil nga major stockholder.

“Yes po kuya?” Approachable naman ako kahit ngarag.

“Ma’am pinapaabot po ni Sir” Alam na naman kung sinong ‘Sir’ yung tinutukoy niya. May letter nanaman ako from Dave. Inabot ko nalang and nagpasalamat ako kay kuya dahil dinala nanaman niya yung mga kung ano anong padala ni Dave na nakaenvelope na tinatambak ko lang naman sa office ko.

Annulment nanaman ang peg namin, pero totoo na this time. Like we both have REAL lawyers and stuff. Inaayos ko narin yung para sa custody ni Jayjay. Pero unlike other cases, I’m leaving Jayjay kay Dave.

Hindi ko kasi kayang maging mommy. Hindi dahil hindi ko na siya mahal, at hindi rin dahil gusto kong magbuhay-dalaga ulit at bumalik sa paglalaro ng kung ano-anong bagay, kung hindi dahil ayaw kong pumalpak nanaman. Hindi naman kasi experiment ang pagiging magulang. Hindi ka pwedeng mag-risk ng Trial 2 on specimen number 2 when you fail on Trial 1.

Kung tutuusin naman ayos na sina Dave at Avie kung hindi ako dumating sa buhay nila. Bakit ba kasi dumating dating pa ako?

Ang sakit sakit. Siguro nga kanya kanyang paraan kung papano magcope ang tao sa loss.

And my way is to run away. NANAMAN. I ran away from Dave noong ikakasal na kami. I came back and eto na nga yung nangyari. Siguro nga may mga bagay at pagkakataon na hindi dapat pinagpipilitan ang mga bagay na hindi naman talaga meant to be.

I’m leaving him again, forever na this time. Kasi ito yung dapat. Kasi ayaw kong pati si Jayjay masira din dahil hindi ako marunong maging mommy.

Hindi narin ako magtataka kung papakasalan narin niya si Felicity. Tutal bago naman ako dumating ok na sila at umepal lang ako.

I went into my office. Wala na kasi akong magawa sa labas, magbabasa nalang ako ng notes ko dahil may procedure akong gagawin.

“Doc andito pa kayo?” I frowned at my secretary. Malamang diba? Alangan namang picture ko yung naglakad at pumasok ng office diba? Mga tanong ng secretary ko eh

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now