51: A Deal with Avie

13.3K 163 28
                                    

[DIANNE'S POV]

Napangiti nalang ako nung binuhat ni Dave si Avie. Ang cute naman kasi nila. Hindi ko rin inaasahan na maiisip yon ni Dave. Ayaw na kasi ni Avie na maglakad and she wants to go home na dahil naiinitan na at kinakati na siya sa dress niya.

"Doc. Dianne, ilang years na ba kayong married?" Avie's teacher asked me. Shoot! The time line should add up! Kung hindi magdududa sila.

"Seven years na" Wah! Grabe! Kung natuloy yung kasal dati oo nga! I'll just turn 29 pero 7 years nakong married! Pero sa totoo namang count 2 years lang hindi pa nagtagal.

"Ang tagal niyo na po palang married Doc. si Avie lang po ba yung baby niyo?"

"Hindi na ako pinakawalan eh and no, may baby boy pa kami" nakangiting sabi ko.

"Seryoso po? Walang wala po sa katawan niyo Doc." sabi ng teacher. Naks! Onti nalang mauuto na ako niyan hahaha libre na pagamot sakin.

"Ay ganun po ba?" Natawa nalang ako. mashado na akong flattered.

"Doc. Dianne, ipapagpaalam po namin si Avie kasi po kung papayag kayo, si Avie po yung lead sa recital ng orchestra." They know Avie can play some serious music with her violin and even with her piano. Kaya naman pala nang bobola, may hihingin.

"Itatanong ko muna kung payag si Avie, kapag ok kay Avie ok narin samin" sabi ko sa teacher.

"Sige po Doc. ang galing galing po ng anak niyo, diba po former student din kayo dito sa university? Manang mana po sa inyo si Avie" Naks! Balik ang free consultation haha

"Salamat" I smiled at her. "Pupuntahan ko lang yung mag-ama ko, may classes pa ba or ibang activities for Avie after nito? Iuuwi na kasi sana namin si Avie" Walang wala na sa mood si Avie.

"Ay Doc. may opening number po sana si Avie. Pero may two hours break naman po bago mag-start yung program sa covered court ng school." At talagang paborito nilang isabak ang baby ko.

"Ganun po ba? Kapag ok pa kay Avie itutuloy, pero kapag hindi na, hindi na ako papayag." Sabi ko sa teacher. Abuso naman sila! Kahit gaano pa ka-galing si Avie baby parin siya. Hindi ko na makita si Dave at si Avie sa school grounds dahil marami nang mashadong bata. I called Dave's phone at sumagot naman siya. He said nasa car sila ni Avie so I went there.

Buhay yung makina ng car pati yung aircon sa car ni Dave. I knocked and he unlocked and opened the door. I went in. Nasa backseat sila. Ang hirap talaga na laking ibang bansa ang baby hindi pwede sa init sa Pinas.

"Baby may performance ka daw mamaya?" Siguro naman informed si Avie kundi magagalit talaga ako. She nodded.

"Baby play piano" Nasa Ipad ni Avie.

"Kaya mo pa ba baby? Baka naman pagod na yung baby ko?" I asked her and combed her hair with my fingers. Basa kasi ng pawis.

"Hot outside, don't like walking" Sa Ipad.

"Hindi na magwwalk si baby, bubuhatin ka nalang lagi ni daddy" sabi ni Dave. Good shot siya ngayon ah?

"Baby hungry ka na ba? Eat ka naman kahit konti lang, wag muna mamam. Anong gusto mong kainin baby? Kahit ano basta solid food papayag si mommy" Ipapakiusap ko ulit malay natin mag-work. Mas mabilis mapagod si Avie dahil mamam nalang yung nagbibigay sa kanya ng energy. Nangangayayat na nga yung baby ko eh.

Tumigil si Avie at parang nag-iisip.

"Please baby? Kahit ano baby basta kumain ka lang" I begged her.

"Baby will eat if..." She showed her Ipad.

"Anong gusto ng baby ko?" Halos sabay pa kaming lumapit ni Dave kay Avie. I'm willing to drive her sa kahit saang sulok man ng Pilipinas para mapuntahan lang yung gusto niyang food.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon