7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako

24.1K 346 22
                                    

[DIANNE'S POV]

As far as I could remember, ang sabi ko lang sasama ako. Yun lang talaga.

Hindi ko sinabing ilipat pati yung mga ibang gamit ko at lahat ng damit ko sa bahay, I mean mansyon, ni Don Dave at Prinsesa Avi.

I never realized how big the place was nung una kong punta kasi hindi naman ako masyadong nagtagal at gabi na nung time na yon.

Avie has three yayas na sumalubong sa amin. Kaya naman pala wala akong maalalang mukha dahil pa-iba iba sila. Ayaw ni Avie sa mga yaya niya, nasanay kasi na stay at home yung mommy niya na clone ko na ako din sa mga mata ni Avie.

Ang gulo noh? Buti pa si Avie enjoy enjoy lang kasi hindi pa naman niya naiintindihan yung situation.

And speaking of enjoy na enjoy, feeling ko mag-eenjoy ako dito. Yey! May pool sila! Hindi na ako mang-gugulo ako kina Dani para magswimming.

Tinawag ako ng isa sa mga maids nila. Pinapasunod ako para maipakita sakin yung kwarto ko. Natulala na kasi ako sa pool dahil na imagine ko na lahat ng pwede kong gawin doon, sumunod ako sa kanila habang bitbit nila yung mga gamit ko. Parang masters bedroom yung room na ipapagamit nila sakin.

Pano ko nalaman? Kasi naman nasa dulo ng hall na maraming pinto. Hindi ko na kailangan ng hint na yung bukod tanging pink na door sa tabi ng room na ipapagamit sakin yung room ni Avie.

I sat on the bed after nila ilagay yung mga bags ng gamit ko. They unpacked my stuff at sila na rin yung nag-ayos sa walk-in closet. Tinatamad pa akong manggulo sa ginagawa nila kaya humiga muna ako sa kama. Sobrang laki ng kama at malambot nakaka-engganyong matulog plus sobrang napagod ako from work kaya I fell asleep.

Ambango naman ng unan na yakap ko, ansarap matulog dito lalo na dahil malamig. Nabuhay yung Aircon, baka binuhay nung mga maid bago sila lumabas. Warm yung unan na yakap ko, ansarap lalo matulog. Mas hinigpitan ko yung yakap ko sa unan. I felt the pillow hug me tighter.

Wait, pillows don't do that. They don't hug you back.

Napamulat ako.

Nakayakap ako kay Dave. At nakayakap din siya sakin. Usually magpapanic yung ibang babae kapag nagising sila sa ganitong situation, sorry to disappoint you, but I'm not like that hahaha mejo hindi naman kasi ako dalagang Pilipina para mag-amok kapag nagising na may lalakeng katabi sa kama. Tsk...tsk...tsk... bad girl hahahaha. Lalo pa kung kasing-gwapo ng katabi ko ngayon.

Gwapo na siya ngayon, I mean 'mas' gwapo siya ngayon. Papatos ba naman ako kung hindi siya pogi? Edi nasira naman yung track record ko niyan. Masisira ang pinaghirapan at pinaka-iingat ingatan kong repotasyon, hahaha

Actually ok naman siya, he's gwapo naman and I really mean emphasis on the 'naman' part. He's kinda different and sort of off-key from all the guys I dated. Siya lang kasi yung walang arte, tipong shirt and pants with sneakers kinda guy. Compared sa mga mas malandi pa sakin at super vain na lalaking kasama ko usually, mas feel ko siya.

Why? Kasi I can be myself when I'm with him.

I have to be prim, proper and lady-like kasi palagi kapag iba yung kasama ko. But with Dave, walang bawal, walang angal, at walang marumi walang arte. He doesn't mind kahit kumain ako ng naka-kamay, kahit itaas ko pa yung paa ko at feel na feel kong kumain na may apat na extra rice, ok lang. Kaya nga gusto ko siya palaging kasama dahil game siya kahit ilubog pa yung mga paa niya sa baha o kaya kumain kami ng isaw na fried or grilled.

He's my bestfriend, kasama ko siya sa kalokohan at sa mga pag-kakataong gusto ko nang magpa-tiwakal dahil sa bigat ng problema or sama ng loob ko. He stood by me kahit anong decision ko sa buhay.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now