44: When The Road Runs Out

12K 122 32
                                    

[DIANNE'S POV]

Lahat na ng pwede kong gawin sa hospital nagawa ko na, kulang na nga lang pati mag-mop ng sahig at magdala ng food sa patients gawin ko narin.

Nakasubsob ulit ako sa isa sa mga table ng Nurse's Station. What the hell is wrong with him?? Nakaka-inis na siya.

Wala siyang ibang babae. Baliw na nga siguro ako dahil kahit yon kinonsider ko.

Praning lang.

Nakakahiya yung nangyari sa office niya. Parang tanga lang.

He's busy working at ako kung ano anong iniisip kong suspicions.

Baka naman talagang pagod lang siya palagi pagdating niya sa bahay kaya ganun. Maybe I should focus on other stuff. Maybe it's just a phase. Lilipas din naman yon as soon as maayos na ang lahat sa busy schedule niya, tutal para samin din naman nila Jayjay at Avie yung ginagawa niyang efforts.

Tiis-ganda.

Siguro papagurin ko nalang muna si Avie at si Jayjay. Avie's already at her blue belt sa taekwondo, she has a recital coming para sa violin at piano lessons niya. Ang alam ko may school play pa siya.

I-eenroll ko nalang si Avie sa modeling, dance at voice lessons kapag tapos na siya sa taekwondo.

Hindi naman na-aapektohan ang studies niya kahit ano pang ipagawa kay Avie. Dun ako bilib kay Avie. Kahit ano kasing gawin niya she gives out her best. She excels at almost everything! Ang galing galing ng baby ko!

Pero ayun nga baby parin talaga siya kaya kapag may gusto siya willing akong ibigay sa kanya. Tutal she works hard and wala na akong masabi sa kabaitan niya. I want Avie to get all the possible advantages sa buhay kaya hanggat kaya ng utak niyang i-process at kaya niyang matutunan na makakatulong sa kanya gusto kong makuha niya.

Dave smothers Avie with toys, new games at kulang nalang talaga magpagawa na kami ng roller coaster sa backyard para kay Avie. Siguro yun nalang yung pambawi ni Dave dahil palagi siyang busy.

As for Jayjay he's too young to do anything, pero may nakita akong product sa Australia. It's about getting the baby to read. Meron daw kasing 'window' para sa mga bata na kaya silang maturuang mag-basa kahit baby pa sila. I-veverify ko yung details nun para maka-bili ako at makapagpa-ship nako nung product whatever that is. Effective naman dahil may reviews na maganda tungkol sa product. Gagamitin ko as soon as sure akong walang harm kay Jayjay.

Magpapaka-mommy nalang ako kesa kung ano pang iniisip ko.

"Marital problems Doc. Dianne?" Napalingon ako sa umimik. Si Doc. Emily, OBGYNE naman 'to. Barkada ko rin na mahilig tumambay sa Nurse's station kapag walang magawa sa buhay niya.

"Na-chismis na sayo, magtatanong ka pa?" I looked at her habang natatawa. Lokaret din kasi 'to. Mas malala pa kasi ang chismis kumalat sa loob ng hospital compared sa bacteria lalo pa't air-bourne.

"Naninigurado lang, ano bang nangyari 'teh" She sat on the chair sa tapat ko.

Heart to heart talk?? Hahaha ok na eh

I took a deep breath. Magsasalaysay ako ng sama ng loob ko. Hahahaha adik lang.

"Doc Dianne, yung favorite niyo po" Napalingon ako sa nag-abot sakin ng Strawberries and Cream Frappe na nakabalot ng tissue. It's Kim. Nurse siya na parang pinanood ko na ang pag-grow dahil dito rin siya nag-OJT.

"Thanks Kim" I smiled at her. Para ko na kasi siyang younger sister dahil parehas kaming maganda hahahaha sipsip din yan sakin dahil ginagamit ko siyang wing girl kapag may gala ako.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now