25: The Company Outing

18.1K 225 26
                                    

[DAVE'S POV]

Nakangiti ako kahit alam kong inis si Dianne sakin. I know she's jealous, she's just too proud to admit it. Bumangon ako at sumunod sa kanya habang papasok na siya ng bahay. I stretched out my neck dahil masakit din yung pagkakabanat noong nahulog yung ulo ko sa bed dahil sa biglaang pagtayo niya.

"Mommy!" I heard Avie call her habang naglalakad ako sa likod niya. Sumalubong si Avie samin pero kay Dianne siya lumapit. Yumuko naman si Dianne para buhatin si Avie.

"Mommy kanina ka pa po hinahanap ni mamu, iinom ka na daw po ng tea" sabi ni Avie kay Dianne. I saw Dianne's expression change, alam ko ayaw niya lang na madisappoint ang mommy niya kaya pumapayag nalang siya sa kung ano mang pinapagawa nito kahit ayaw niya.

Hindi na ako nakasunod kina Dianne at Avie dahil tinawag ako ng maid at inabot yung handset ng landline. May call ako from the resort na pag-gaganapan ng company outing. Off peak kami lagi tuwing mag-oouting para tipid at hindi mahirap magpabook ng venue para sa buong kumpanya. The manager thanked me dahil malaking account yung company ko sa resort nila. Nagverify lang sila ng ibang details at kung ano ano pang ibang offers na binibigay ng company nila.

I declined, meron na naman kasing assigned para sila ang maghandle ng ganitong activities. Kaka-event lang sa bahay ko may event naman sa company. Haaay ang laki nanaman ng gastos ko. I called the organizers para sabihing tumawag sakin yung resort manager. They asked for a few details tungkol samin para makagawa sila ng magandang programme.

"Sir! Diba po kumanta si Ma'am Dianne noong party? Baka po pwedeng may repeat performance po from your wife po Sir" tanong sakin ng coordinator na naghandle ng birthday party ni Avie. Magandang trip yun ah

"Well that's a great idea, naka-kanta na siya noon eh, she'll dance naman" nakangiting sabi ko habang nakalingon kay Dianne na umiinom ng tea na binigay ng mommy niya.

"Really Sir?! Wow! Very talented talaga yung asawa niyo Sir sige po, we'll be in touch nalang po with the details" sabi from the other line.

"Sige, ako nalang yung kausapin niyo with regards to her performance, busy kasi yung asawa ko eh" nakangiti ako at kumaway pa kay Avie habang may kausap ako sa phone.

The call ended. Malapad ang ngiti ko nung lumapit ako kina Dianne. Parang masama yung pakiramdam niya after drinking the tea. Ganyan din kasi siya noong una niyang maiinom yun. Parang masusuka siya.

"Ano kaya pa?" I asked Dianne at inakbayan siya, "Breathe para maka-relax ka". I hugged her. "Halika baby let's walk it off ulit" she pushed me away. Nako inis nga pala siya sakin. Nakalimutan ko agad hehehe

Inintay niya lang maka-alis yung mommy niya kasama si Avie at saka sinuka sa sink yung tea. She gargled three times after that.

"Dianne galit ka pa ba? Bati na tayo?" I hugged her.

"Dave bitiwan mo nga ako!" she pushed me away again. We heard footsteps papunta sa kitchen, alam kong mommy ni Dianne yun dahil sa tunog ng slippers sa bawat hakbang niya, nakaramdam din si Dianne. Nagulat ako sa biglang pag-kabig sakin ni Dianne ang she kissed me.

"Dave may nakita ba kayong---" natigilan ang mommy ni Dianne. "Oh sorry, please proceed" nakangiting sabi ng mommy ni Dianne samin at saka umalis ng kitchen.

Dianne pushed me away again.

"Dianne ano pa bang gusto mo? Baby naman eh" nakaka-frustrate si Dianne.

"Dave I don't like your secretary" seryosong sabi ni Dianne.

"So what do you want me to do?" I asked her. Parang may tinutumbok si Dianne ayaw lang niyang sabihin ng direcho. I see her frustration dahil halatang halata na sa mga kilos niya.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon