56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else

13.6K 159 40
                                    

[DIANNE'S POV]

Yey! Ang saya na ulit! Wahahaha

Feeling reyna akong muli habang sinusupervise ang rehabilitation ng kulungan ni Derek. Kinakalawang na kasi yung metal cage niya kaya papalitan namin while he's playing with Avie and Jayjay sa lawn.

"Kuya paki-sagad po sa gilid yung cage tapos po pa-habilin nalang na for disposal na yung lumang cage ni Derek, kung may gusto mang kumuha sige lang po ibigay niyo" utos ko sa helper na nag-assemble nung bagong cage.

Love na love namin si Derek. At kahit boy siyang dog ang vain niya. Meron siyang clothes at kung anik anik pang accessories na akala mo tao na.

At ewan ko ba naman sa daddy ni Avie kung bakit gold plated yung tag ni Derek, pero sabagay Derek deserves the recognition and vanity dahil nga he saved us noong may nagtangkang magnakaw sa bahay namin. Take note ha? NAMIN hahaha balik trono kasi ang reyna. Solved na yung issue na yon dahil dumaan lang pala galing sa kabilang bahay yung magnanakaw at feel niya lang sa bahay namin umexit kasi akala niya walang makakapansin.

"Ate makikibantay nalang po sa mga bata" I patted their yaya's shoulder. Nagconfirm naman siya sakin.

Mabait naman si yaya and she's the last one standing hahaha hindi ko naman tinanggal yung ibang mga yaya, kasama parin sila sa staff sa bahay. Hindi na kasi sila takot kay Avie dahil mabait naman kasi talaga ang baby ko.

Nakakatawa talagang isipin kapag nakukwento nilang kaya silang i-terrorize ni Avie na three years old lang that time.

Pumasok na ako sa loob dahil naglilinis din sila sa bahay. Marami kasi akong gustong i-rearrange like yung mga pwesto ng ibang gamit at may mga gusto rin akong palitan ng kulay. 

"Ma'am magandang umaga po" bati sakin nung mga lalaki sa labas, shy pa sina kuyang pumasok.

"Pasok po kayo mga kuya, dito po tayo" They're the guys na mag-uupholster ng sofa sa living room. May 'magic' markers kasing nagdrawing sa leather sofa namin ng 'Mommy <3 Daddy' sa loob ng mas malaki pang heart all by themselves at talagang kinulayan ng maigi yung white na sofa. Ewan ko ba kung sino man yun, pero na touch ako kaya ginupit ko. Sabi ko nalang kay Avie na kapag nakita niya kung sino yung nagsulat pakisabi na wag nang ulitin kasi magagalit yung fairy na nagbabantay ng living room.

Feeling ko naman hindi na ulit gagawin yon nung gumawa kaya ok na. Hindi na naman kasi yata uulitin nung magic markers kaya patawarin na.

"Ma'am pa fill-upan nalang po yung form namin tapos po yung celphone number niyo po mam kailangan din namin" sabi ni kuyang mejo waley akong tiwala sa number kong hinihingi niya.

"Sige" I smiled at him and took the form. I filled it up with some of my info tapos yung confirmation ng design na pinili ko from the interior designer, pero cell number ni Dave yung nilagay ko. Ayan bahala silang makipagtextmate kay Dave. Hahahaha

"Ma'am mga one week po yung pag-uupholster namin, nandito po ba ulit kayo ma'am next week po para kayo rin yung magreceive?" I smell something fishy hmmm.. Pero malamang andito ako dahil bahay ko 'to diba? At feel na feel ko naman hahaha pero yun naman kasi yung agreement namin ni Dave. Dapat matutunan kong what's his is also mine pero what's mine is mine hahahaha

"Oo naman, pero if in case wala ako baka yung asawa ko nalang yung mag-rereceive" inabot ko sa kanya yung clipboard nila na may form with my left hand. Ayan diba? Kitang kitang kumikinang ang wedding ring ko. Suot ko na ngayon dahil sa bahay lang naman ako hahaha

Nagpa-alam na sakin yung mga crew for upholstery after nilang mahakot yung living room set namin.

Tuloy linis ako ng bahay. Maalikabok kasi yung ilalim ng dating pwesto ng living room set. Pinipigilan ako ng staff pero trip kong maglinis kaya wala rin naman silang magagawa.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now