29: The Great Pretender

15.3K 169 14
                                    

[DIANNE'S POV]

Ang sakit sa ulo ng mga pangyayari. Pero bakit ganun?! Feeling ko may thrill sa ginagawa ko. Alam ko namang mali. Kasi may boyfriend ako kahit 65% lang at alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya.

Nagi-guilty ako pero at the same time may maliit na boses na nagsasabi saking ituloy ko lang dahil hindi naman niya malalaman. Tsk! What the H!

I'm a bad person. Aminado ako dun, hindi ko balak mag-malinis at magpaka-plastic.

Nasuklay ko ng kamay ko yung buhok ko. Nafu-frustrate ako, hindi naman ako ganito, hindi na ako tinatablan ng kunsensha kapag may pinagsasabay sabay ako. Baliw lang ano? Kasalanan naman nila eh, mapilit kasi, pinagbibigyan ko lang naman ang gusto nila.

Kasama ba si Dave sa mga pinagbibigyan ko? Ewan ko. Kung tutuusin naman kasi magulong usapan din lang kami. Basta-bastang agreement for each other's benefit. Nagkataong maganda at makakabuti para sa lahat na magkabalikan kami. Para kay Avie, para maging masaya siya. Doon lang naman umiikot ang lahat.

Imposible naman kasing magkabalikan pa kami ni Dave. Kung wala lang si Avie siguro hindi niya ako papansinin kahit naghihinalo ako sa paanan niya. Pero kahit ganun hindi ko naman dadamdamin, kasi alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit kami nasira noon.

Ngayon kaya? Shoot! Naisip ko nanaman yung kanina. Ok na ako sa set up namin, maganda na yung bond namin ni Avie, happy na ang mommy ko at smooth sailing na yung relationship ng parents namin ni Dave. In short everything's slowly falling into place.

Hahayaan ko bang masira yun? Honestly, ewan ko. Hindi nga kasi ako perpekto para masabing hindi ako magkakamali sa bawat kilos ko. Hay bahala na!

Dumaan muna ako sa bahay ko bago ako pumunta kina Dave. Amoy sigarilyo kasi ako dahil sa bar. Maliligo muna ako at magbibihis.

Nagiisip na ako ng magandang excuse habang nagddrive pauwi kina Dave. For sure galit na yon dahil hindi manlang ako nakapagsabi. Tawagan ko kaya? Wag na, gagalingan ko nalang yung palusot ko. Saka malaki na naman ako, kaya ko na ang sarili ko. Hahaha bata lang?

Parang kinakabahan ako. Kahit naman immune na ako at kaya kong bara-barahin si Dave kapag galit siya tinatamaan parin ako kapag siya na yung nag-litanya sakin.

Sagad to the bones naman kasi siya minsan kapag mainit na mainit ang ulo, baka bumulagta ako at makitang palutang lutang sa ilog Pasig o di kaya mahanap nalang ako sa damuhan.

Kaya dapat award winning ang acting ko para maniwala siya.

Bale ganito, kunyari galing ako sa house call. Tama!

Galing ako sa house call hahahaha Tutal pasyente ko naman talaga si Andrew.

Buo na yung excuse ko kaya naka-ngiti na ako sa guard ng subdivision nila Dave.

"Ma'am ginabi na po kayo ah" bati sakin nung guard na kilala ko na. Part kasi ng security procedure na buksan ang bintana para makita ng guards yung nasa loob. Bawal kasi talaga ang un-invited guests.

"Oo nga po eh, on call po kasi ako sa pasyente ko" I smiled at him. Hahaha on call?? Saan sa bar?? Hahahaha May talent talaga ako sa acting kasi feel na feel naman ni kuya guard. Sumaludo pa siya yung papasok na ako.

Buhay pa yung ilaw sa bahay nung nakarating ako. Actually ipinagbukas pa ako ng gate, so gising pa ang mga staff kahit 2 am na.

"Ma'am buti po dumating na kayo" hinihingal pa yung house boy na nagbukas ng gate. "Kanina pa po kasi galit si Sir, hinahanap po kayo, wala naman pong makapagsabi kung nasaan kayo dahil wala ni isa samin na nakakita na lumabas kayo" pagpapatuloy niya. Nako mukhang patay ako ah

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now