57: The Ghost of Ex-fling's Past

12K 126 21
                                    

[DAVE'S POV]

Maliwanag na pero ayaw paring mag-relax ni Dianne. Halos hindi rin kasi siya nakatulog dahil sa pakiramdam niyang may nanood samin kagabi. At si Gab daw yon according to her. May history pala silang mejo similar sa stalking pero harmless naman si daw Gab. It's just that he's extremely annoying.

"Beh, hindi ka naman nakikinig eh!" Tinulak ako ni Dianne. Nakahiga parin kami sa bed namin magkayakap parin kami at tinatamad parehong bumangon.

"Baby nakikinig ako" No I wasn't hehehe busy kasi akong yakapin siya

"Weh? Edi anong huling sinabi ko?" she asked.

"Baby naman kasi, wala na nga kasi akong pakialam sa past mo, past mo yon eh hindi na natin mababago" I held her hand na ipinang tulak niya and kissed it. Naisip niya sigurong hindi niya rin ako makakausap ng matino tungkol don.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Baka kung anong gawin niya, lalo pa kamukhang kamukha ko si Avie" Dianne's worried.

"Baby hindi ko hahayaang mapahamak kayo" I kissed her hair. "Besides hindi naman tayo pwedeng basta basta nalang magbintang, dahil hindi rin naman natin sure na siya nga yon" May bad effect rin palang na-aalis ni Dianne ang lahat ng galit ko. Hindi ako nagagalit kahit hindi na nakakatuwa si Gab. "I'll watch him muna tapos kapag may reason na to kick him out of the house saka natin papa-alisin. For the mean time round 3 muna tayo" Umilag na si Dianne when I tried to kiss her.

"Beh naman kagabi ka pa naka-round 3" Hindi siguro satisfied sa mga plano kaya ayaw nang pumayag.

"Edi round 4" Umusog ako palapit she pushed me away. "Beh--"

"Gawin mo muna yung sinabi mo then we'll talk about round 4" she kissed me and she took her robe at bumangon. "May bonus ka if you behave"

Nakapanood nalang tuloy ako habang naglalakad siya papunta ng bathroom.

Bwiset namang Gab yon!

"Beh anong bonus yon?" I followed Dianne papunta sa bathroom. Baka kasi pwede kapag sa shower hehehehe

Nauna akong natapos kay Dianne dahil shower lang talaga at desidido talagang 'on hold' ang round 4 hangga't hindi siya satisfied sa gusto niyang mangyari.

Ano namang gagawin ko kay Gab? Hindi rin naman ako sure kung talagang nanood yung nagbukas ng pinto namin. Pwede kasing nagkamali lang ng bukas tapos sinara bigla dahil nakita kaming may 'ginagawa'.

At kung siya nga yon baka naman mabuti naring nakita niya para alam niyang akin na si Dianne at hindi na siya umasa.

Sabay kaming bumaba ni Dianne for breakfast. Kami nalang pala yung iniintay. Nakatitig si Avie kay Dianne nung nasa table na.

"Mommy not come to office?" Sa Ipad ni Avie.

"Hindi baby ko. Kaya ihahatid ka ni mommy today" She kissed Avie's forehead. Bukod siguro sa gustong bumawi ni Dianne kay Avie walang tiwala si Dianne sa sinabi kong plano kaya she wanted to watch Avie closely habang nasa pamamahay namin si Gabriel. Malapad ang ngiti ni Avie dahil sa hindi pag-pasok ni Dianne.

Hindi weirdness kung hindi pagka-giliw kay Avie yung nakikita ko sa tingin ni Gabriel kay Avie.

Ano kayang nasa isip niya? Bakit ganun?

"Ikaw daddy bakit nang gagaya ka ng trip na hindi pag-pasok?" Dianne asked me.

"Uhm wala tinatamad lang ako and  just want to be with you of course" sabi ko.

"Asuus bola! Etong tinapay kumain ka, gutom lang yan" Naglagay si Dianne ng bread slices sa pinggan ko.

"Bakit naman inaatake ka ng katamaran Dave, hindi maganda yan para sa padre de pamilya" biglang singit nung kutong lupang Gabriel ang pangalan.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon