50: Prince Charming

13.2K 150 22
                                    

[DAVE'S POV]

Nakangiti ako habang nagd-drive pabalik sa bahay. Magpapa-meeting pa kasi ng sa lahat ng staff ko. Dahil babalik na ang reyna, prinsesa at prinsipe.

Dapat maayos lahat.

Dapat malinis ang buong bahay at ma-disinfect ang mga laruan ni Jayjay at ni Avie.

I went into our room. Inusog ko yung mga gamit ko, may dumating naman na maid para ayusin yung paglalagyan ng mga damit at gamit ni Dianne. Babalik na ang reyna kaya dapat mas malaki ulit ang space sa gamit niya kesa sa gamit ko. Pinalinisan ko rin yung bathroom, for sure mapupuno ulit yung shelf nung mga gamit niya kaya pina-extend ko yung shelf.

Oops! Yung toothpaste! Inayos ko yung pagkaka-press, ayaw kasi niya na sa gitna yung deformed, dapat sa dulo kaya inayos ko rin.

Pinapalitan ko yung kurtina, baka kasi maalikabok na. I asked everyone to do and fix things kung papano ba gustong gawin ni Dianne ang mga bagay bagay. Buti nalang alam nilang lahat dahil hands-on si Dianne sa bahay.

I moved to Avie's room, pinapalitan ko yung sheets. Pinalabas ko rin yung stuffed toys niya na gusto niyang nasa kama niya at katabing matulog. Pinalinisan ko rin yung bathroom, at pinapalitan ko ng bago yung mga toiletries niya.

Sa room ni Jayjay pina-disinfect ko lang yung mga gamit. Dapat safe palagi ang prinsipe ko.

Busy ang lahat pag-baba ko. ayaw ko kasing may abutang alikabok si Dianne.

Tinawag ko narin yung lahat ng male staff ko. Sila kasi yung isasama ko bukas para sa pag-sundo kina Dianne.

Isang van at dalawang SUV yung gagamitin kong pang sundo bukas. Kahit yung chopper nga gusto kong ipa-handa in case maisipan kong dalahin na yung buong bahay nila. Joke lang.

Basta I want everything to be perfect.

Dapat lang.

Maagang maaga palang lumayas kami agad ng team ko papunta sa bahay ni Dianne. Ihahatid ko pa kasi si Avie sa school tapos saka kami maglilipat ng gamit.

Si Avie lang yung lumabas galing sa bahay. Bihis na si Avie for school, pero she seems uneasy. "Baby where's mommy?" I asked Avie nung makalapit siya sakin. She opened the gate and pulled me papasok ng bahay.

"Help! Mommy's in pain" Nasa Ipad ni Avie na nakapatong sa sofa nung nasa loob na kami ng bahay ni Dianne.

"Baby where is she?" Avie pointed sa taas.

"Avie ipapahatid nalang kita sa driver ha? I'll just make sure mommy's ok" I kissed Avie's hair. Saka ko inutusan yung driver na isama na si Avie.

I ran upstairs. "Beh? Beh? Beh!" I found her sa bed. "Beh what's wrong? What happened?" I came near Dianne, nakabalot siya ng kumot at naka curl in fetal position sa bed niya

"Where's Avie? Why are you still here? Papasok pa siya ng school, you were supposed to---" Bumangon si Dainne.

"Beh teka, ano bang masakit sayo? Sabi ni Avie may masakit daw sayo?" I gently pushed her para humiga ulit sa kama.

"Masakit lang ulo ko, pero I'll be fine" sabi niya. "Yung kamay mo pwede ba? Maka-kapit ka ah?" She looked at her shoulders andun pa kasi yung mga kamay ko. Inalis ko agad.

"Oh sorry, beh are you sure you'll be fine? Beh maybe I should take you to a doctor" I suggested.

"Wala pang nasusugod sa hospital for minor headaches, tuloy pa ba yung paglilipat?" She tried getting up again.

"Beh please? Makinig ka naman, kung may masakit sayo humiga ka nalang jan, ako nalang yung mag-aayos ng gamit niyo" Matigas talaga ang ulo ni Dianne sa mga ganyang pagkakataon. Nako naturingang doctor pero matigas ang ulo. Tsk!

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now