TheGhost of Ex-fling's Past Part 2

11.5K 138 36
                                    

[DIANNE'S POV]

ANAK NG PITOMPU'T PITONG PUTING PINUTAKTING TOKWA NAMAN!

Napakamot ulo nalang ako dahil nasa casa yung Lexus ko. Kakasabi ko lang na ingatan pero wasak yung harapan noong binalik ni Margarette matapos niyang i-bangga sa walang kamalay malay na puno. Wala siyang ibang masabi kung hindi 'sorry ipapagawa ko nalang'.

Nanginginig ako sa galit dahil pera at efforts ko yung pinangbili ko ng luxury car. Pero I have to play nice dahil nga kahit papano naman gracious akong host dahil bisita siya sa bahay namin. I have to act like 'buti nalang yung kotse lang yung nasira at hindi ikaw yung napuruhan'. @#$# talaga! Inis na inis ako, sana siya nalang yung napuruhan at safe yung kotse ko! Gigil na gigil ako sa kanya habang pa-awa effect at akala mo na-trauma. Nasa hospital pa siya, trauma counselling. Ayaw kong pumunta dahil baka gamitin ko yung scalpel ko at pirapirasuhin siya ng walang anaesthesia habang binubuhusan ng alcohol at lemon juice.

"Beh relax lang, bibili nalang tayo ng bago" sabi ni Dave. Worried si Dave dahil alam niyang sobrang stress yung dulot nun sakin. He held my hand and kissed it. Para akong reynang gustong pasiyahin ng mga alipores ko. Kahit kasi mga staff worried kaninang natanggap ko yung tawag ni Margarette na nagpapasundo.

Kahit si Avie gusto akong pakalmahin, she sat on my lap ang hugged me. I kissed her hair and snuggled her. "Hmmm.. buti pa yung baby ko ang bait bait kaya love na love ni mommy" Avie smiled and kissed my cheek. Nakakatuwa naman dahil alam kong andito sila to wipe out the bad vibes. Napangiti ako sa nasa Ipad ni Avie "Wag na po sad, daddy buy new one".

Uma-akyat lang talaga yung dugo ko kapag naaalala kong winasak niya ng balewala lang yung paborito kong car.

"Ma'am tubig po" I thanked Avie's yaya. Siya ang nagbigay ng tubig. Mejo napakalma ako ng tubig.

"Beh relax lang, hindi naman daw niya sinasadya eh" sabi ni Dave.

"Ha?! Hindi sinasadya?! Samantalang hindi naman umaandar yung puno--" Napahinto ako dahil yumakap ng mahigpit si Avie. "Aww baby I'm sorry, natakot ka?" Avie nodded. "Sorry baby, magsstop na si mommy" I kissed her forehead and patted her back.

Feeling ko nananadya si Margarette. Pero ano ba naman kasing gusto niyang mapala? Balak niya bang wasakin lahat ng gamit namin? Well car ko palang naman yung nawasak, pero nasa kanya pa yung 4 bags ko, ilang make up ko at onting alahas at damit.

Mabilis kasi siyang makahirit. Ayaw ko rin namang sabihin niya sa mama ni Dave na nagmamaramot ako. Mejo naniniwala kasi agad sa kanya yung mama ni Dave dahil close sila.

Kinakatuwiran niyang marami naman daw kaya hindi ko rin naman nagagamit lahat.

Totoo man pero maingat naman ako dahil gifts yon sakin lahat ni Dave.

"Beh magpahinga ka kaya muna?" hawak parin ni Dave yung kamay ko.

"No I'm fine, thank you po sa inyong lahat, ok na po ako wag niyo na po akong alalahanin" Mejo nilakasan ko yung boses ko dahil nakapalibot sakin yung staff at parang ako yung nasa sasakyan nung bumangga. Hahahaha Love nila ako eh

"Dianne! Dianne ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Yel. Hindi ba sila magkasama nung syotang niyang bisugo?

"Hindi ako, yung car ko, nasa hospital yung girlfriend mo ah?" sabi ko sa kanya. Nakakapagtaka namang andito siya samantalang yung girlfriend niya ay feeling agaw buhay kahit wala naman siyang ka-galos galos dahil matibay yung Lexus.

"Galing na ako doon, gusto pa yata niyang magpa-confine, nakakainis nga napaka-arte niya kaya nilayasan ko" sabi ni Yel. Wow ha? Kawawa naman pala siya. Hahaha ewan ko tuloy kung siya o si Margarette yung kawawa.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon