4: Going Back A Few Years Ago

23.9K 380 19
                                    

[DIANNE'S POV]

It's the beginning of the work week, as usual on time ako sa office.

I checked on a few patients, did a few rounds, stopped for a coffee break, and read a few paper works.

Ganun ang usual routine ko sa Saint Andrews. Full time ako sa hospital, kasi alaga ako dito, spoiled kaming mga doctors na mgaganda eh hahaha

At siyempre kasi magaling akong doctor, operahan pa kita jan.

Masakit na yung mga mata ko dahil sa binabasa ko sa laptop ko. Karamihan kasi ng patient records naka-transcribe na sa database.

For easy access nga naman and para walang ma-mimissplace na records.

O diba? Sosy kasi kami. Pacheck up na samin magaganda ang mga doctors dito.

Madalas tumatambay ako sa mga ka-chismisan ko sa nurse's station. Dun lang naman exciting ang mga nangyayri like kita mo yung totoong drama ng buhay. Naks pang teleserye! Bentang benta. Joke!

Glass kasi yung taas na part ng wall kaya kita namin yung mga nangyayari sa labas pero tinted kami from the hallway kung sisilipin mo kami.

Ayiee sige silip lang ng silip. Joke

Siyempre bawal yun. May counter sa harap for inquiries.

Dito ko nakita yung boyfriend ni Dani. Nagtatanong siya dati kung nasaan yung magaling niyang girlfriend na pakalat kalat sa hospital nung panahong yun.

Masayang tumambay dito dahil sa damay ka kapag may food na dadating or may mga kasabay ka magpa-deliver ng food kapag umay ka na sa cafeteria.

Magka-kalahati na yung araw ko pero wala pa akong nakikitang bagay na exciting. Mamaya pa kasi ulit ako bibisita sa mga patients ko. Wala din akong scedule for operation kaya boring ang buhay sa ospital.

Nag-eenjoy kami ni Dani sa ER minsan para mag-patay ng oras. Pero ngayon hindi ako pwedeng mawala sa second floor dahil baka may tumawag na patient sakin.

Batong bato nako. Baka basagin na ako ng shockwave.

Saksakin ko kaya yung katabi ko para may magawa naman ako sa buhay kong boring?

Wag bad yun.

Naiisip ko yung nangyari kahapon.

Grabe, never ko naisip na pwede kong makita ulit si Dave.

Ex ko siya.

We had so much fun dati.

I mean, I had so much fun pala.

Palagi ko kasi siyang kasama at hindi siya himihindi sakin.

He told me he loves me and he wanted me to be his girl.

I responded with a "yes I love you too".

Wala lang trip lang sakin yun.

Gaga kasi ako.

Palagi ko kasi siyang kabiruan noong time na yun.

He took things seriously.

Sobrang bait niya, wala akong masabi.

He's the epitome of a good boyfriend.

The best one I mean.

Baka nga sinangla na niya yung bahay nila, palagi kasi akong may gift galing sa kanya.

Tinago ko naman lahat yun.

Siyempre sayang eh.

At points for the effort.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now