45: One Brown Envelope

11.7K 128 15
                                    

[DAVE'S POV]

12 MONTHS LATER.....

Nakakapagod ang routine ko, ikaw ba namang 6 na lines ng businesses ang pinapatakbo. Nakakasira ng ulo. Pero I know It'll all be worth the effort when the right time comes.

When the right time comes.... Wahahahaha malapit na.

Nakakainis! Nakaka-frustrate at nakaka-excite at the same time.

Excited na kasi akong makita ang reaksyon ng maganda kong misis kapag nakita na niya yung gift ko.

Mejo super expensive yung gift ko at alam kong aawayin niya ako kapag nalaman niya. Very practical kasi si misis ko when it comes to money matters.

Kaya dapat sa ibang businesses ko mang-galing yung pera, yung wala pang record sa kanya dahil magagalit talaga siya sa laki ng perang bibitawan ko.

Ang totoo nagmamadali akong maka-kalap ng 3.5 Million USD. Basta may bibilhin ako hehehe

Extra effort kumita kaya pagod na pagod ako pag-uwi ko sa bahay namin.

Nagi-guilty na nga ako dahil kahit yung mga bata hindi ko na makasama. Tulog na kasi sila kapag dadating ako, kapag weekends naman may inaasikaso pa ako kaya talagang hindi ko narin kinakayang makapagsingit ng time at nagpapahinga nalang ako.

Hindi rin ako pwedeng mashadong magpahalata kay Dianne. Alam ko kung gaano ka-talino yung wifey ko kaya magkaka-clue siya agad kung ano mang balak ko with one wrong move.

Napalingon ako sa picture ni Dianne, Avie at Jayjay sa desk ko. Ang bilis ng panahon malapit na palang mag-two years ang baby boy namin ni Dianne.

"Sir, may dumating pong envelope from Atty. Ramiro" May brown envelope na nilapag si Sam sa desk ko.

"Do we know that person?" Wala kasi akong matandaang kinailangan ko ng  lawyer.

"Sir wala pong record satin" sabi ni Sam. I dismissed her after that.

Mas maganda sigurong ako nalang ang makakita kung ano man yung pakay nung lawyer sakin.

"What the?!" Nasabi ko nung nakita ko agad yung header ng paper.

I pressed the intercom. "Sam may meeting pa ba ako today?" I asked her.

"Sir wala na po" sabi ni Sam.

"Ah good, aalis na ako" inalis ko na yung coat at tie ko.

I folded my sleeves at dinala ko yung envelope. Pupuntahan ko si Dianne. I need a really good explanation para sa existence ni Atty. Ramiro at yung declaration of nullity ng kasal namin.

As usual natitigilan ang mga tao sa loob ng hospital kapag dadating ako. Alam na kasi nila ngayon na board member ako ng hospital. Kaya nga ayaw ko nang bumibisita kay Dianne, nahihiya kasi ako minsan. Nakaka-asiwa din yung pakiramdam na para akong hindi normal na tao sa loob ng hospital.

Nagsitayuan yung mga tao sa loob ng station pag-daan ko. Grabe silang makatingin sakin, nakakahiya at nakaka-asiwa.

Walang pasyente na nagiintay sa labas ng office ni Dianne, pumasok nalang ako at dumirecho sa loob.

"Si Doc nasaan?" I asked her secretary. Wala ko sa mood maging friendly lalo pa't nasa bingit ng kamatayan ang kasal ko.

"Nasa loob po Sir" sabi niya.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Dianne. Nagb-browse siya sa laptop niya. Wala siyang lab coat kaya kitang kitang tube top yung dress niya ngayong araw na 'to. Nakaka-wala ng galit makita yung maputi at makinis niyang mga balikat pero dapat galit ako. 

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now