CHAPTER 35

323 18 19
                                    

Nae simjangeun drum soricheoreom dugeungeoryeo
Nae pumeun neoreul kkwak aneul nalman gidaryeo
Nae dallyeogeun ppalgan pyosimaneul gidarigo
Nae gobaegeun naui yonggimaneul gidaryeo
Yeojeonhi naneun sosimhan babojiman
Sumanheun bameul saemyeo sseotdeon i noraega
Naui jinsimeul jeonhaejugil wonhae
Ieopon han jjogeul neoui sone

Tumigil ang kanta at tumahimik ang buong paligid. Gusto kong lingunin ang ibang nandito pero hindi ko magawang alisin ang paningin ko kay Sejun. Humakbang siya papalapit sa akin. Napayuko ako nang maramdamang kinuha niya ang dalawang kamay ko. Inangat ko ang tingin ko at muling nagtama ang paningin namin.

"Ano 'to?" Naiiyak na tanong ko.

"Surprise?" Ngumiti at nagkibit-balikat siya. Hinampas ko siya dibdib.

"Hindi ako ang may birthday!" Marahan siyang natawa.

"Sshh. Just listen to me." Pinisil niya ang kamay ko.

"Inna... You know how much I love you. I told you, the first time I heard your voice, I instantly fell for you. The moment my eyes finally laid on you, I knew na gusto talaga kita." Usal niya.

"You're the prettiest person I've ever laid my eyes on. " Dagdag niya habang diretso ang tingin sa mata ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at hindi rin nagtagal at dumaloy ito agad sa pisnge ko.

"Pinapaiyak mo ako." Nakangusong sabi ko. Tumawa saka pinunasan ang luha ko.

Marahan siyang ngumiti at bumuntong-hininga. Ramdam kong nanlambot ang tuhod ko nang mula sa pisnge ko ay muli niyang ibinaling ang tingin sa mata ko. Binasa niya ang labi niya bago muling nagsalita.

"I love you so much that my chest cannot contain all my love for you anymore. It's like it is so close to exploding because my heart want to escape out from it and run to you. I-It's like my heart is no longer mine, not literally, but I feel like this heart belongs to you. You're it's owner. And I'm so sure of it. There's no more confusions, doubts, and fear. I really love you, Inna. I really do."

Sinabi niya iyon habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na umaalon ang dibdib ko dahil sa naririnig at dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ako magrereact maliban sa maiyak.

"Gusto kitang yakapin, gusto kitang makasama palagi. Inna, gusto kitang maging akin at gusto ko ring maging sayo ako. I also want to be with you for the rest of my life. Pero syempre, I need to make efforts para mangyari 'yon. Kaya, Inna gusto kitang tanungin..."

"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ni Sejun.

Mas lalong lumalim ang tingin niya sa mata ko. Para bang ayaw na niyang alisin ang tingin saakin kaya mas lalong hindi makalma ang sistema ko. Habang paulit-ulit ang tanong niya sa utak ko ay parang bumalik sa akin lahat ng mga ginawa at pinaramdam niya sa akin.

Parang... ang bilis ng mga pangyayari.

Nakakatakot.

Napalunok ako. Naramdaman kong pinisil niya ang ang kamay ko saka hinigpitan ang kapit doon. Narealized kong nanginginig pala ang kamay ko. Huminga ako nang malalim.

Pero gusto ko rin si Sejun. Nasabi ko sa isip ko. Kumportable na ako sakanya. Ironic lang na kapag nandiyan siya nawawala ang takot ko sa ibang bagay pero natatakot rin ako at the same time kasi habang mas tumatagal mas nahuhulog ako sakanya.

Ang sabi ko sa sarili ko mula nung masaktan ako kay Gian, time out muna sa mga love love na yan. Kinundisyon ko na ang puso ko na 'wag muna titibok para sa ibang tao, para sa sarili ko muna. Pero parang trinaydor ako ng sarili kong puso.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon