CHAPTER 1

961 31 13
                                    

HALOS dalawang oras din nagtagal ang concert at masasabi kong worth it ang isang araw na pagod sa pagpila! Sobrang saya talaga!

Kakaalis lang ng SB19 sa stage matapos nilang sabihin ang pasasalamat nila sa mga pumunta. Nagsisimula na rin na lumabas ang mga fans sa venue. Super hype na ang lahat ngayon dito. Kanya-kanyang komento tungkol sa mga bias nila. Hindi pa rin matapos-tapos ang pagtili ng iba. At yung iba kanina pa bukambibig ang Sana all dahil sa panibagong prinsesa na inakyat ni Stell sa stage kanina.

"Omyghaadddd hindi ko talaga inexpect na sobrang gwapo nila in person! Lalo na si baby Joshhh!!!" Tinakpan ko na ang tenga ko dahil sa sobrang ingay ni Ren.

Totoo yun, sobrang gwapo talaga nila. As in. Kung gwapo na sila sa tv at pictures, mas gwapo sila sa personal. At shet! Syempre hindi papakabog ang mga talents nila. Sobrang gaganda ng boses at gagaling sumayaw.

Sa loob ng dalawang oras ay halos kay Jah lang nakatutok ang mga mata ko. Sobrang cute, gwapo at sexy niya at the same time! Akala ko kapag nakita ko siya in person hindi ako maaawat sa kakatili, pero hindi eh. Nakakatulala ang kagwapuhan niya. Actually lahat sila gwapo pero syempre ultimate bias ko si Jah kaya para sa akin siya na ang pinakagwapo.

Nang makalabas kami ni Ren sa venue ay sumakay agad kami sa tricycle para makauwi. Alam kong magagalitan ako nito kasi hindi ako nagpaalam. Pero okay lang, sanay na ako sa pagbubunganga nila.

"Ang sakit na ng lalamunan ko." Natawa ako kay Ren dahil paos na ang boses niya ngayon.

"Yan ta, makakurahaw kaya kansubago kala mo mayo nang saaga." Natatawang sabi ko.

(Trans: Yan kasi, makasigaw ka kanina akala mo naman wala nang bukas)

"Eh kasi naman, super pogi talaga nila! Lalo na si Josh—!" Titili sana ulit siya nang bigla siyang masamid.

"Oh ayan, nasasamid ka na sa kalandian mo."

"Grabe sa malandi ah. Kinikilig lang! Eh ikaw bakit ang kalmado mo?" Tanong niya.

Kalmado? Kung alam mo lang kung gaano kagulo ang utak ko ngayon. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Kung gaano ko kagustong bumalik sa venue para makausap si mama Mich.

Napatingin ako sa envelope na hawak ko ngayon. Anong gagawin ko dito? Actually, gusto ko talagang sumali. Simula pa lang nung makita ko ang post nila about sa talent camp. Pero kasi malayo ang Makati, wala akong kamag-anak doon. At paano ang pag-aaral ko? Pangarap ko rin maging singer pero napaka-imposible nun, at ngayong may chance na, anong gagawin koooo?

"Hoy, baba na! Andito na tayo." Natauhan ako at bumaba na ng tricycle.

"Ako na nagbayad ha. Masyado kang lutang, Inna." Napapa-iling na wika niya.

"R-Ren." Tawag ko sakanya.

"Oum?"

"Nakita ko kanina ang SB19." sabi ko.

"Gaga! Syempre umattend ka ng concert! Tsaka hindi lang ikaw ang nakakita sakanila noh! Ako rin kaya!"

"H-hindi! I mean—ganito kasi yon. Kanina nung nag cr ako napadpad ako malapit sa dressing room nila tapos ayun nakita ko sila nung palabas na sila." Paliwanag ko.

"Waaahhh seryoso? Ano? Nakita ka nila? Anong sabi nila? Anong ginawa mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Tsk. Ano... Hindi ako nakita ni Stell, Josh, at Ken. Pero nakita ako ni Justin. T-Tapos nag-hi siya." Namula ako bigla nang maalala ko yun. Ang gwapo niya talaga.

"OMG!!! Eh si ano, si Sejun? Nakita ka rin niya?" Inaalog-alog niya ako at nanlalaki ang mata.

"Hindi. Hindi ko rin siya nakita eh." Sabi ko.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon