CHAPTER 26

573 30 48
                                    


INNA'S POV

"Pero bakit?" Tulalang tanong ko.

"Because I want you here, Inna." Napalingon ako kay Sejun nang magsalita ito. Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo saka umiwas ng tingin.

"Bakit?" Naguguluhan pa ring tanong ko. Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso ko sa sobrang lakas nito. "Bakit pumayag ka mama Mich? Alam mong mapapahamak ka pero—" Pinutol na niya ang sasabihin ko. Umupo siya sa harap ko para magkapantay kami saka ako hinawakan sa balikat.

"Inna... Let's just say that I will do everything para mapatawad ako ni Paulo." Sabi niya. Mas lalo lang nangunot ang noo ko. "Anyway, may gagawin pa pala ako. Maiwan ko na kayo dito." Tumayo na siya at kinuha ang ilang gamit niya. Nilingon niya pa muna kami bago tuluyang lumabas ng pinto.

Napatakip na ako ng mukha at sinandal ang likod ko sa couch. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

Kanina nang lumabas kami ni Sejun sa conference room ay sinabi niyang kilala niya ako at siya ang dahilan kung bakit ako nandito! Ilang sandali pa nang sabihin niya yun ay dumating na agad si mama Mich at pinasunod kami dito sa office niya.

Kinwento nila saakin mula sa kung paano ako nakilala ni Sejun hanggang sa araw kung kailan ako inalok ni mama Mich na sumali ng SB Talent Camp. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay sasabog na ako anumang sandali ngayon.

"Inna..." Inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at tiningnan si Sejun. Nakatayo siya ngayon sa harap ko.

"Bakit hindi niyo sinabi kaagad?"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin." Umiwas siya ng tingin sa akin saka bumuntong-hininga.

"M-Marami akong gustong itanong pa sayo pero..." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Inna, I'm really sorry kung hindi ko agad pinaalam sayo. It's actually a secret between me and mama Mich. I don't want anyone to know about this, even the members." Ilang sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita, sa tuwing susubukan ko hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko.

"K-Kung may tanong ka pa, I can answer them. I won't tell any lies. I promise." Napaangat ako ng tingin nang magsalita siya. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka ibinaling ang tingin sa sahig.

"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko. Akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko dahil ilang saglit na ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nang iangat ko ang tingin ko ay doon ko nakitang nakasalubong ang kilay niya.

"Hindi pa ba obvious, Inna?" Tanong niya dahilan para kumalabog ang puso ko. Napatitig ako sa mata niya, unti-unti na ring nawala ang pagsalubong ng kilay niya. Nanlaki ang mata ko at halos hindi ako kumurap nang umupo siya harap ko para pumantay sa akin. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Halos hindi na ako huminga sa kinauupuan ko at pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko nang magsalita siya.

"Inna, I like you."

Parang tumigil ang takbo ng oras habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi niya na dahilan ng pagwala ng puso ko ngayon. Sobrang lakas ng tibok nito at natatakot akong baka marinig na niya.

Ilang sandali pa ay namalayan ko nalang na tumatawa na ako. Yung tawa na hindi ko alam kung pang-baliw o pang horror film. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Sejun. Tumawa lang ako nang tumawa. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo, nakahawak ako sa tiyan ko habang patuloy na tumatawa. Nang mapagod ako ay maluha-luha kong ibinaling ang tingin ko kay Sejun. Nagtataka pa rin ang itsura niya.

NEVER GONE [SB19 FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora