CHAPTER 9

532 24 5
                                    


KINABUKASAN ay maaga kaming lahat bumangon at naghanda para sa pag alis namin. Naka-pants at t-shirt lang ako ngayon at dinala ko rin ang backpack ko para paglagyan ng extrang damit, tubig, at iba pang gamit ko. Pumunta agad kami nila Andrea sa lobby kasabay ng iba pang camper. Naabutan namin doon ang mga staff na naghihintay na sa amin.

"Goodluck sa atin, guys." Sabi ko kila Andrea, Kyla, at Vicky. Sabay-sabay kaming napahinga nang malalim at nakisiksik na sa iba pang campers.

Napuno ang lobby ng ingay namin. Lahat ay naeexcite sa mga mangyayari. Sina Kyla at Vicky ay nahiwalay sa amin nang makita ang ilang kagrupo nila.

Nakipagkwentuhan sila doon habang ako naman ay naiwan sa tabi ni Andrea na walang ginawa kundi magkwento nang magkwento ng mga bagay na hindi naman connected sa camp.

Pinagmasdan ko nalang ang ibang mga campers at tinatandaan ang mga mukha nila hanggang sa makita ko si Lyka na inililibot rin ang paningin. Nang makita niya ako ay kapwa namin nginitian ang isa't isa. Naglakad siya palapit sa amin ni Andrea.

Kinalabit ko si Andrea na ngayon ay hindi pa rin natitigil ang bibig sa pagdaldal. "Si Lyka oh." Sabi ko. Napatingin naman siya kay Lyka.

"So?" Tinaasan niya ako ng kilay. Kinurot ko ang braso niya at pinandilatan siya ng mata.

"Umayos ka." Wika ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya.

"Hi, team mates!" Masiglang wika ni Lyka nang makalapit siya saamin.

"Hello." Bati ko sakanya. Palihim kong tinabig ang braso ni Andrea dahil hindi man lang ito bumati pabalik kay Lyka kaya sa huli ay binati rin niya ito. May sapak siguro 'to ngayon kaya ganito.

"Nasaan kaya yung iba?" Tanong ko.

"Uh, I saw Zyrill and Kiara kanina pero nawala rin sila sa paningin ko." Sagot ni Lyka.

"Ahh."

"Nasaan yung iba niyong ka-dorm? Ba't kayong dalawa lang?" Tanong niya.

"Nakikipag-tsismisan." Biglang sabi ni Andrea kaya pinalo ko siya sa braso.

"Ouch! Kanina ka pa nananakit ah." Inis na sabi niya sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Eh ikaw 'tong kanina pa may sapak, Andeng. Umayos ka ha." Wika ko pero inirapan niya lang ako.

"Hahaha nakakatawa talaga kayong dalawa." Sabi saamin ni Lyka.

"What? Anong tingin mo samin? Clown? Sa ganda naming 'to, sasabihin mong mukha kaming clown? Unbelievable." Pinagkrus ni Andrea ang braso niya at tiningnan ng masama si Lyka. Hindi naman natinag si Lyka.

"Woah, walang akong sinabing ganyan. What I mean is, nakakatawa kayo kasi ang cute niyo tingnan. Lagi nalang kayo nag aawayan pero still magkaibigan pa rin. Ganun." Paliwanag ni Lyka kaya inirapan nalang siya ni Andrea at sa ibang camper nalang niya ibinigay ang atensyon niya.

"Sorry, Lyka ha? Hindi lang talaga yan nakapag agahan ng maayos kaya ganyan yan." Unti lang ang kinain ni Andrea kanina sa agahan eh, parang hindi nga nagalaw yung pagkain niya kaya si Kyla nalang umubos ng pagkain niya kanina.

"It's okay, I understand." Nakangiting sabi niya.

"Ah, yung mga kadorm pala namin... Ayun sila oh." Sabi ko sabay turo kila Vicky at Kyla na ngayon ay nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila. "Yung naka brown na croptop hoodie at ripped jeans ay si Vicky. At yung naka shorts at floral na off shoulder ay si Kyla. Pareho silang 19 years old." Sabi ko at napatango naman siya.

"Yung kausap ni Kyla, that's my roommate, si Takki." Sabi niya at nagulat naman ako.

"Oh?"

"Oum. Si Takki at ang grupo niya lang ang nag iisang group na nakapasa sa audition. They're 5 in group, all girls." Napa-woah naman ako. Ang alam ko kasi ay more than 10 groups ang nag audition, hindi ko alam na isa lang pala ang nakapasa.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now