CHAPTER 4

588 26 5
                                    

SA SOBRANG pagkaboring namin ay pinatulan namin ang Truth or Dare ni Kyla. Wala man lang twist o ano pa man, plain na truth or dare lang.

Nakapabilog kami ngayon at may bote sa gitna. Nakaraming ikot na ang bote at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nito natuturo.

Lahat sila ay puro truth ang pinipili. Naiinis na rin sila dahil hindi nila ako mautusan o matanong man lang samantalang ako ay nakarami na ng tanong sakanila.

"Truth." Wika ni Andrea.

Napa-smirk ako.

"Crush mo si Ivan, yes or no?" Wika ko.

Nanlaki ang mga mata niya kaya natawa kaming tatlo.

"Very good question, Inna!" Pumapalakpak na sabi ni Kyla.

"H-Hoy! Bawal ang ganyang mga tanong!" Reklamo niya.

"Wala naman sinabing bawal ah. Pwede magtanong ng kahit na ano at pwede rin mag utos ng kahit na ano. At isa pa kanina pa tayo dito nagtatanungan ng mga favorite at hate chuchu kaya dapat medyo personal naman." Paliwanag ni Vicky.

Napabuntong-hininga naman si Andrea at nakapout kaming tiningnan.

"Eh ano naman kung crush ko siya. Duh crush lang yun, paghanga lang. Tsaka iuuncrush ko na siya-ay no. Inucrush ko na pala siya. Kaya ang tamang term ay ex-crush! Hindi ko na siya crush. Kaya my answer is NO."

Natahimik kaming lahat at tiningnan si Andrea ng nakakunot ang noo.

"Hindi mo kailangang mag-explain." Wika ko.

Natigilan naman siya at nahihiya kaming tiningnan.

"Napaghahalataan ka eh!" Natatawang sambit ni Kyla.

"Hoy hindi ah! I have the freedom to explain myself." Umirap siya.

"Osige, ako nanaman magtatanong." Sabi ni Vicky. "May boyfriend ka ba sa labas?"

"Wala noh!"

"Ex?"

"M-Meron."

"Ako nanaman." Sabi ni Kyla. "Ilan ang ex mo?"

"Teka nga! Parang pinagtutulungan niyo na ako eh!" Inis na wika niya.

"Pinagtutulungan eh kaya ka lang naman namin tinatanong kasi sayo tumutok ang bote!" Sabi ko naman.

"Aishh!"

"Sagot na kasi."

"Lima. Lima ang ex ko."

"Ayan... Ang dali lang naman ng tanong..." umiiling na ani Vicky.

Kinuha ni Andrea ang bote at natawa pa ako dahil bumubulong bulong pa siya habang tinitingnan kami nang masama.

"Humanda ka, Inna." Sabi niya saakin at pinaikot ang bote.

Habang bumabagal ang ikot ng bote ay lalong nagiging tense ang bawat segundo. Nang malapit nang huminto ang bote at siguradong sigurado na ako na kay Kyla ito tatapat kaso biglang tinigil ni Andrea ang pag ikot nito dahilan para matapat ito sa akin!

"A-Ang daya!" Reklamo ko.

"Anong madaya dun? Sayo tumapat ang bote kaya ikaw nanaman ang tatanungin namin, this time." Naka-smirk na ani Andrea.

"Madaya yun! Dapat kay Kyla titigil yung bote! Diba, Kyla?" Tiningnan ko siya at umaasang tutulungan ako.

"Hindi naman." Nagkibit balikat siya.

Aangal pa sana ako nang magsalita si Vicky.

"Wag ka nang magreklamo, Inna. Oras naman para kami na ang mag tanong sayo."

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now