CHAPTER 22

564 31 17
                                    


HINDI ko iniimik si Sejun habang naglalakad kami ngayon dito sa hallway ng third floor. Gustuhin ko mang magreklamo kanina dahil bigla niya nalang akong hinila pero hindi ko nagawa dahil halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin magawang magtanong kung anong gagawin namin dito dahil wala ako sa mood na kausapin siya. Napagtanto ko na papunta kami sa dorm nila.

Isang liko nalang ay dorm na nila kaya tumigil ako sa paglakad at walang emosyong nakatingin kay Sejun.

Ewan ko ba pero di ako natutuwa sakanya ngayon. Naiinis ako!

Tumigil siya sa paglakad nang maramdamang hindi na ako sumusunod sakanya. Nangunot ang noo niya nang makita ang mukha ko pero agad rin siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit. Sinubukan niyang hawakan ulit ang braso ko para hilahin ako pero iniwas ko iyon sa kanya. Iniwas ko rin ang tingin sakanya.

"Bakit?" Tanong niya. "Galit ka?"

Ha!! Ako magagalit? Bakit naman ako magagalit?

Umiling ako nang hindi siya tinitingnan. Humakbang siya para makita ko. Hindi na ako umiwas ng tingin nang tingnan niya ako sa mata.

"Did I do something that make you feel upset?"

Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim bago ulit siya tingnan. Hindi ko alam. 'Di ako galit. Naiinis ako. Pero di ko alam kung bakit.

"Wag mo nga akong englishin!" naglakad ako papunta sa may pader at sumandal doon. "Bakit mo ba ako hinila papunta dito?" Pinagkrus ko ang mga braso ko.

"I have something to give to you." Ngiti niya saakin. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tumingin nalang ako sa sahig. "Tara?" Aya niya pero hindi ko ulit siya pinansin. "Right. Kukunin ko nalang, hintayin mo ako rito." Aniya saka nagmamadaling tumungo sa dorm nila.

Napatakip nalang ako ng mukha at inis kong pinadyak ang paa ko sa sahig. Nakakainis! Bakit ba ako naiinis?!

Arrghhh!!!

Umayos ako ng tayo nang matanaw ko na siyang papalapit saakin. Tinuon ko ang mata ko sa dulo ng hallway. Kita ko siya sa gilid ng mata ko.

"Oh." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Napatingin naman ako dun. Natakam ako nang makita ang indian mango. "Inihatid kanina sa akin ni mama. Naisip kong favorite mo rin nga pala ito kaya tinirahan kita." Napatitig nalang ako sakanya habang nakangiti siya sa akin.

Alam ng lahat kung gaano niya kapaborito ang mangga. Kahit nga yung mangga na hinawakan na ng lahat ng members sa isang episode nila ng ShowBreak ay pinatabi niya pa dahil kakainin niya raw. Tapos ngayon nagawa niyang magtira ng paborito niya para ibigay sa akin imbes na ubusin niya lahat ito?

"Sige na. Kunin mo na 'to lahat." Aniya. Napatingin ulit ako sa bowl na may laman na limang mangga. Napalunok ako.

"Ayoko niyan." Sabi ko. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Galit ka nga." Saad niya.

"Hindi nga ako galit." Huminga ako ng malalim saka siya tiningnan ng diretso sa mata pero di ko rin natagalan kaya ako rin ang unang umiwas. "Babalik na ako sa taas." Wika ko at kahit na masakit para saakin na tanggihan ang mangga ay tumalikod na ako sakanya. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan kaya napaharap ulit ako. Nanlambot ang tuhod ko nang tumingin siya ng diretso sa mata ko na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko.

"Sorry." Ilang saglit pa ay nagsalita siya. Parang lumambot ang puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya nito. "Nasabi ko pala dati na ako na magbabalat ng kahit na anong prutas na kakainin mo." Dagdag niya dahilan para mapakurap-kurap ako. "Hintayin mo ako dito, babalatan ko lang to." Tumalikod na siya para pumunta sa Dorm nila.

NEVER GONE [SB19 FF]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin