CHAPTER 12

527 27 7
                                    


"SIYA YUNG UMAGAW SAKIN NG BANANA BITES KAHAPON SA CAFETERIA!" Galit na sigaw ni Lyka.

"SIYA YUNG UMAGAW SAKIN NG TIRAMISU TRUFFLES KAHAPON SA CAFETERIA!" Sigaw din ni Justin.

Napatingin nalang ako sa kanilang dalawa na parehong masama ang tingin sa isa't isa.

"Paalisin mo yang isip-batang lalaking yan! Nanggigigil ako." Bulong sa akin ni Lyka at muling inarko ang braso niya sa braso ko. Hindi ako nakasagot at medyo nahihirapan akong i-process sa utak ko kung anong nangyayari.

"Sinong isip-bata?" Inis na tanong ni Justin.

"Ikaw daw." Sagot naman ni Ken na halatang pilit na pinipigil ang tawa.

"Hindi ako isip-bata!" Sigaw ni Justin.

"Isip-bata?" Natatawang tanong ko kay Lyka at mataray itong tumango.

"Oo, napaka isip-bata ng lalaking yan!"

"Hoy, sobra na, ha! Paulit-ulit? Ano ka boorang?" Banat naman ni Justin at napasinghap ako ng tawa ganun din si Ken.

"Jah, boomerang yun." Bulong sakanya ni Ken.

"Yun nga. Ah, basta! Inna, tawagin mo na yung mga kaibigan mo, alis na tayo. 'Wag mong isasama yang babaeng yan, ha." Ani Justin.

"At saan naman kayo pupunta?" Nakakrus ang mga brasong tanong ni Lyka.

"Wala ka na dun."

"Aba talagang—" hindi na natuloy ni Lyka ang sinasabi niya at napahinga nalang ito ng malalim sa inis.

Inalis ko ang pagkakaarko ng mga braso namin ni Lyka at binuksan ang pinto. Tinawag ko sila Andrea at nagtanong pa ito kung bakit, sabi ko ay kakain kami ng pizza kaya agad din silang lumabas.

"Tara, Lyka." Aya ko rin kay Lyka at napataas ang kilay niya at umangal rin si Justin.

"Kayo nalang, ayaw kong makasama yang isip-batang yan." Wika ni Lyka.

"Sa tingin mo, gusto rin kitang makasama? Eww." Nandidiring wika ni Justin kaya muntik na siyang mahampas ni Lyka mabuti nalang ay napigilan ko ito.

"Wait, wait, wait! Anong meron? Bakit may awayan na nagaganap?" Malisyosyang tanong ni Kyla.

"Kwento ko sayo mamaya." Sagot ni Lyka at tiningnan si Justin sabay irap.

"Teka, wait! Awat muna okay?" Muli akong pumagitna sa kanilang dalawa. Hinarap ko si Lyka. "Sasama ka sa amin, okay? Request ko yan at kapag hindi ka sumama, magtatampo ako." Sambit ko at napabuntong-hininga naman siya. Hinarap ko si Justin. "Gusto kong isama si Lyka at kung hindi ka papayag na sumama siya, hindi ako pupunta. Kayo nalang kumain ng inorder mong pizza." Wika ko kaya napanguso nalang siya.

"Pumayag ka na, Jah. Kung hindi, iisipin kong..." Wika ni Ken at natataranta namang sumagot si Justin.

"Oo na! Oo na! May magagawa pa ba ako?" Ani Justin. Tiningnan niya nang masama si Lyka. "Sumama ka na, pero wag mong isiping magbabati tayo." Mariing sabi nito kay Lyka.

"'Di ko kailangan ng peace galing sayo, duh. Lalo na't inagaw mo yung favorite kong banana bites!"

"Inagaw mo rin naman yung tiramisu truffles ko ah."

"Excuse me, nauna kong bilhin yun kesa sayo."

"Hindi ko naman bibilhin yung banana bite kung hinayaan mo akong bilhin yung tiramisu."

"Ibibigay ko naman dapat sayo yung tiramisu eh kung hindi mo lang pinagkait sa akin yung banana bites."

"Eh kasi nga nabili ko na yung banana bites, alangan namang ibigay ko pa sayo!"

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon