CHAPTER 23

509 30 12
                                    


"Hoy, Inna! Okay ka lang?" Natauhan ako nang ikumpas ni Vicky ang kamay niya sa harap ko. Nakakunot ang noo niya sa akin, nang tingnan ko si Kyla ay ganun rin siya.

"O-Oo. Oo naman." Tumango ako sakanila.

"Kanina ka pa namin tinatanong kung anong magandang gawin ngayon since hindi kami lalabas." Aniya. "Tulala ka lang diyan. May sakit ka ba?"

"Ha? Ano, wala ah. Wala akong sakit." Sagot ko sabay ngiti ng pilit.

"Yang pagkain mo di mo pa nababawasan." Sabi naman ni Kyla dahilan para mapatingin ako sa pagkain sa harap ko.

"Ay, oo." Yun nalang ang nasabi ko saka sumubo ng pagkain.

Aish, ano bang nagyayari sa akin?

Kagabi pa ako lutang na lutang, hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng sinabi ni kuya Edwin. Paulit-ulit na nagpplay sa utak ko ang mga sinabi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang oras lang ang tulog ko. Kumakain na kami ngayon ng tanghalian at hindi ko namalayan na tulala nanaman pala ako. Paano ba naman hinddi ko talaga maiwasang mag-isip kung bakit gusto akong makita ni Sejun nung gabing yun. Hindi rin ako makapaniwala na siya yun! Napagkamalan ko pang si Josh yung lalaking naka-violet na hoodie tapos siya pala.

Kung si Sejun nga talaga ang lalaking yun at gusto niya akong makita that time, ibig sabihin kilala niya na ako? Kasi bakit naman siya magsasayang ng oras para sumama sa pagsundo ng taong hindi naman niya kilala? Paano niya ako nakilala? Saan? Bakit? Kelan? At kung kilala na nga niya ako bakit nung unang beses kaming nagkita sa tapat ng dorm namin umasta siyang hindi niya ako kilala?

"HOY!"

"Ay butiki!" Napahawak ako sa dibdib ko at muntik ko pang maitapon ang kutsarang hawak ko nang biglang sumigaw si Kyla. Gulat ko siyang tiningnan.

"Ano bang problema? Bakit natutulala ka diyan? Aba tapos na kaming kumain, ikaw hindi pa? Anong iniisip mo ha?" Sunod-sunod na tanong niya. Bumuga muna ako ng hangin bago siya sinagot.

"Wala nga. Sige na tumayo na kayo diyan, ako nalang magliligpit niyan." Sabi ko sa kanila pero tiningnan lang nila ako na para bang gusto na nilang buksan ang ulo ko at kunin ang utak ko para makita kung anong nasa isip ko. "Wala nga kase! Promise!" Pagkukumbinsi ko sa kanila. "Sige na! Makipagtsismisan nalang kayo kay Takki at Lyka sa dorm nila, hindi rin lumayas ang mga yun ngayon eh." Pinanliitan nila ako pareho ng mata bago sila tumingin sa isa't isa.

"Tara?" Sabay nilang sabi.

"Okay, pupunta lang kami sa dalawang yun. Sumunod ka nalang sa amin ha?" Sabi ni Kyla. Tumango ako sa kanila at ngumiti. Uminom muna sila ng tubig bago sabay na lumabas ng dorm.

Nang tuluyan na silang makaalis ay pabagsak akong sumandal sa upuan ko. Napatingin nalang ako sa pagkain ko na halos hindi nabawasan. Mariin kong pinikit ang mata ko habang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na walang ibig sabihin ang mga nalaman ko ngayon. Wala lang kasi talaga yun. Pero kasi—

"Arrghhh!!!!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako habang sinasabunutan ang sarili ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pag init ng mukha ko. Nagulat ako nang maramdamang basa na ang pisnge ko ng luha. Napatigil ako at natulala sa sarili ko.

Hindi pwede. Ayoko.

Huminga ako ng malalim saka tumayo. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at naglipit na. Matapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay pinakain ko si Snow, pinaliguan ko rin ito. Pagkatapos ay naglinis ako ng kwarto namin at kwarto nila Vicky. Inayos ko rin ang mga gamit ko sa cabinet. Nang matapos ko ang lahat ng gawain sa dorm ay umakyat ako sa rooftop para tingnan ang mga sinampay ko. Alas tres palang ng hapon kaya sobrang init pa rin. Nung una ay kinaya ko ang init pero nang tumagal na ako ay napasigaw na ako dahil sa hapdi ng init sa balat ko. Tumakbo na ako pabalik sa ibaba habang bitbit ang lahat ng sinampay ko. Tiniklop ko na ang lahat ng yun habang kumakanta at paminsan-minsan ay kinakausap ko si Snow para malibang ang sarili ko. Nang matapos ko ang lahat ng gawain ay humiga ako sa kama. Napatulala ako sa kisame.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now