CHAPTER 30

440 26 20
                                    

[A/N: This lenghty chapter might be boring kasi ginawa ko 'to habang naboboring ako :) Word count is 10k+ kasi 10k reads na ang Never Gone wuhooo! Salamat, A'Tin! I will publish the next chapter once this chapter reach 100 reads.]

INNA'S POV

NAGISING ako dahil naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Marahan kong iminulat ang mata ko saka inunat ang katawan. Nakangiti akong bumangon at inayos ang kama ko. Kumakanta-kanta pa ako habang sinusuklay ang buhok ko.

"Goodmorning, Snow!" Bati ko sakanya kahit na tulog pa naman ito.

Nang  matapos akong magsuklay ay nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Ang ganda yata ng gising mo ngayon, Inna ah?

Hind nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa napagtanto ko kung bakit sobrang good mood ko yata ngayon. Agad kong naramdaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko nang maalala na magkasama pala kami kagabi ni Sejun. Napatulala ako habang inaalala ang bawat detalye ng mga pangyayari kagabi.

Napakagat ako ng ibabang labi dahil sinabi niya saakin yung bagay na hindi naman niya dapat sabihin saakin. Alam kong sensitive na topic para sakanya ang tungkol sa nakaraan nila ni ate Rite. Alam ko yun dahil sa tuwing nababanggit ng mga kagrupo niya ang pangalan ni Ate Rite ay nag-iiba ang mood niya. Hindi ko inaasahan na ipapaalam niya saakin kung ano ba talaga ang meron sakanilang dalawa dati at kung anong nangyari sakanila.

Sa totoo lang, sobrang curious talaga ako. Gustong-gusto kong malaman kung bakit ganoon nalang yung galit ni Sejun kay ate Rite. Noong sinabi nila Justin saakin na kaya nasigawan ni Sejun si ate Rite ay dahil lang sa trabaho ay hindi ako tuluyang naniwala doon. Hindi kasi ganoon si Sejun. Kahit na palagi siyang nakasimangot at seryoso, hindi niya magagawang sigawan ang kahit na sino dahil lang sa work. Doon palang, alam ko na may hindi tama.

Napabuntong-hininga ako. Kagabi habang nagkwekwento si Sejun, hindi ko maiwasang masaktan para sakanya. Nakaramdam ako ng selos, oo. Pero mas nangibabaw saakin yung sakit. Bigla ko rin kasi naisip na pareho pala kami.  Pareho pala kaming brokenhearted dati...

Parang kinurot ang puso ko nang maisip na kahit ganoon, kahit may pinagdaanan siyang sakit. Kahit na minsan na siyang nasaktan dahil sa pag-ibig, kahit na natakot siyang magmahal ulit... Pinili niya pa ring isugal ang puso niya saakin.

Hindi ko alam kung kaya ko rin.

Mapait akong ngumiti at bumuntong-hininga saka sinulyapan ang wall clock sa kwarto. Napatakip ako ng bibig nang makitang mag-aalas dose na! Dali-dali akong tumungo sa bintana at hinawi ang kurtina, napasinghap ako nang makitang tirik na tirik na ang araw.

"Omygosh!!""

Nagmamadali akong kumuha ng mga damit dahilan para magkalat ang mga gamit ko. Binilisan ko ang pagligo at agad na nagbihis. Nasapo ko ag noo ko sa kaba.

Late na ako. Sobrang late!

Aalis na sana ako nang masulyapan ang nagkalat na mga gamit ko. Parang may pumitik sa gilid ng ulo ko dahilan para maalala ko na inayos ko na nga pala ang mga iyon, naalala ko maging ang panyo na hawak-hawak ko kagabi, pero hindi ko maalala kung saan ko yun nailagay.

Nagpabalik-balik ako ng tingin sa mga gamit ko at sa wall clock. Alas dose na. Lunch time na ng lahat.

Dali-dali akong tumungo sa mga gamit ko at hinanap ang panyo na ginawa ko para kay Sejun. Napalunok ako nang walang makita. Naghanap ako sa kama ko at sa ilalim nito pero wala. Naghanap na ako sa halos buong kwarto pero wala pa rin. Kahit sa sala at kusina na hindi ko naman pinuntahan kagabi ay naghanap ako. Nang walang matagpuan ay napatulala nalang ako sa kung saan at doon ko namalayan na umiiyak na pala ako.

NEVER GONE [SB19 FF]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang