CHAPTER 5

563 26 1
                                    

NAGTATAWANAN sila dahil sa sinabi ni Kiara.

"Grabe naman ang sipag ng grandparents mo." Wika ni Christopher.

Lumapit ako sakanila at pumagitna. Hinampas pa ako ni Andrea sa braso dahil panira daw ako sa kwentuhan nila.

"Panira pala ha? Paano kung sabihin ko sa inyo na alam ko na kung nasaan ang pangatlong card, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakita kong kuminang ang mga mata ni Andrea at hindi makapaniwala. Ganun din yung iba.

"Weehhh? Totoo? Nasaan?" Tanong ni Zyrill.

Nabigla pa ako nang hawakan ako ni Andrea sa braso at yugyugin ang katawan ko. Hilig niya talagang ganunin ako ha.

"Where? Tell me! Where?" Sigaw ni Andrea sa mukha ko.

"Kung gutom na kayo, sumunod kayo sa akin." Wika ko at lumabas na ng Dorm ni Zyrill.

Naglalakad kami ngayon papunta sa elevator. Panay ang tanong nila saakin kung saan daw pero hindi na ako makasagot dahil gutom at pagod na rin ako. Hinayaan ko nalang silang magpalitan ng hula.

Bumukas ang elevator at sumakay kami doon. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na magiging espesyal sa akin ang elevator. Dati naman ay nakakasakay ako sa mga ganito nang walang ibang nararamdaman hanggang sa nangyari nga ang pagiging pafall ni Sejun dito sa elevator kahapon. Hays, Mr. Nase tingnan mo na ang epekto mo saakin! Mukhang magpapalit na ako ng bias ah. Joke, gagalet si Jah.

Tumunog ang elevator hudyat na andito na kami. Bumukas ito at iniluwa kami sa 12th floor.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Lyka.

"Hahanapin ang card." Maikling sagot ko at nagsumulang maglakad sa hallway.

"Owww!!! I get it na!" Narinig kong wika ni Kiara.

"Canadian Football has 12 players each team. Sobrang naalog utak ko tapos ito lang naman pala! Ka-stress ha!" Wika niya.

"Wait nga, paki explain naman sa amin. Sobrang nagugulahan kami." Sabi ni Christopher.

"Ganito kasi yan, sabi sa clue nasa certain part siya ng building at nasa canadian football layer siya. Eh 12 players each team ang football na yun so probably ginamit iyon para idescribe ang 12th floor ng building. Kaya andito tayo ngayon." Paliwanag ko.

Naalala ko eh, nagbigay ng trivia dati yung mapeh teacher namin nung Grade 8 about sa Canadian Football, American Football, at Rugby. Naalala ko na 12 players each team pala ang CF kanina nung nagkwento si Kiara na isang dosena daw na magkakapatid ang mama niya.

"Ahh... So, nasaan na ang card?" Tanong ni Andrea.

"Nandito... Siguro? Kaya nga tayo nandito diba?" Pabalang na sagot ko.

"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, nasuntok na kita. Nakakaasar ka!" Matinis ang boses na wika niya.

Natawa naman ako ganun din ang iba.

"Patingin nga ng naaasar." Wika ko dahilan para lalong umusok ilong niya.

"Hindi na kita bati!" Sabi niya at tumalikod saamin at naglakad sa kabilang direksyon.

"Sige pumunta ka diyan, wala naman diyan ang card." Natatawang sabi ko at nakita kong inis siyang bumalik saamin.

"Ang cute niyong magkaibigan hahaha." Sabi ni Lyka.

"Ako lang ang cute." Nakangusong sabi ni Andrea.

"Sabi mo eh. Tara na." Hinila ko siya papunta sa Music Studio.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now