CHAPTER 32

444 23 23
                                    

INNA

"Hello?"

"Hello..."

"Sino 'to?"

"Sino pa ba?"

"Sino nga?!"

"Sino pa ba nga?"

"Di ako nakikipagbiruan, sino 'to?"

"Hulaan mo."

"Alam mo ghorl! Kung sasabihin mong anak kita at kailangan kitang loadan ng 500 pesos, aba! Mali ka nang piniling maloloko! Gipit rin ako ngayon sinasabi ko sayo! Alam mo bang may gala dapat kami ngayon ng mga kaibigan ko pero hindi ako makaalis dahil walang laman ang wallet ko? Sinubukan ko na lambingin si mama, si papa, si kuya, pati na rin si tito at tita pero hindi umubra! Taena kase yung ipon kong ilang libo binili ko ng relo para sa crush ko! Kilala mo ba si Josh Cullen?"

Natawa ako. Grabe talaga ang bunganga ng babaeng 'to.

"Hoy sabi ko kilala mo ba si Josh Cullen?"

Mapait akong napangiti. Josh...

"O-Oo naman."

"Oh, yun! Kilala mo pala eh! Yun ang crush ko! Binilihan ko yun ng mamahaling relo! Mabuti nga eh sinuot naman." Bigla siyang tumigil sa pagsalita at parang pinigilan ang kilig. Baliw talaga. "Ayon, back to the topic! Wala akong pera ngayon. Sa iba ka nalang tumawag! Bigay ko sayo yung number ng dati kong teacher na mayaman. Kapag binigyan ka, pasahan mo rin ako kahit 100 pesos lang. Ano, G?"

"Hoy bruha ka! Scammer ka na ngayon? Justin lang, bhe?" Tumawa na ako nang malakas.

"Inna?"

"INNAAA??!?!?!!"

"INNA DIANNE MAH BERI BYUTIPUL PINSANNN IKAW BA YAN?"

"HOY SUMAGOT KA TATADYAKAN KITA SA NGALA-NGALA!"

"Ano ba? Ang ingay mo, magbago ka na nga!" Tumatawang sagot ko.

"INNA IKAW NGA TALAGAAAA!!! HUHU I MISS YOU BES! SAMPUNG TAON MO AKONG HINDI NICONTACT! KUMUSTA KA NA DIYAN SA DUBAI? BALITA KO MAY ASAWA KA NANG ARABO AT MAY WALO NA KAYONG ANAK! GRABEEE I MISS YOUUU!!"

"Sasabunutan kita kapag di ka tumahimik. Isa." Kunwaring inis na sabi ko, di ko rin napigilan at natawa na ako sa huli.

"Inna! I miss you legit totoo hd! Kumusta ka na? Ano? Trainee ka na ba? Kelan daw debut mo?" Tanong nito.

"Ren, nakapasa ako. Official trainee na ako, Ren." Excited na sabi ko. Nailayo ko ulit ang cellphone sa tenga ko dahil mababasag na ang airdrums ko sa tili niya.

"OMYYY!!! CONGRATUMALATIONS INNA! I'M SO PROUD OF YOUUU!!"

"Salamat." Napangiti ako.

"Kumustaa??? Magkwento ka naman!"

Excited kong kinwento sakanya ang tungkol sa talent camp. Ikinwento ko pati ang itsura ng building, yung cafeteria, si Snow, yung mga trainees, mga bago kong kaibigan, si kuya Edwin, si mama Mich, pati na rin ang mga board members. Marami akong naikwento sakanya at hindi na namin namalayan ang oras. Syempre hindi pwedeng hindi ko ikwento ang SB19 sakanya. Pero hindi lahat ay pwede kong sabihin.

Gustong-gusto kong ikwento sakanya yung mga moments na kasama ko yung lima, gustong-gusto kong sabihin sakanya na "Kaibigan ko na sila! Partner ko si Justin at bestfriend ko naman si Ken." Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Si Josh??? Hindi mo binabanggit si Josh! May balita ka ba sa bebe ko?" Maya-maya ay malungkot niyang aniya.

Natigilan ako. Bigla ay hindi ko maibuka ang labi ko. Pakiramdam ko ay may kung anong sumaksak sa dibdib ko. Sinubukan ko talagang hindi mabanggit ang pangalan ni Josh dahil nagdudulot lang yun ng hindi maipaliwanag na lungkot sa dibdib ko.

NEVER GONE [SB19 FF]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu