CHAPTER 40

486 26 29
                                    

[A/N: This chapter is nearly 12k words at maraming nangyari dito so ihanda ang mga puso.]

---

"Bakit ako? Pwede namang si Teacher Hong nalang. O kaya... O kaya isama nalang sa instrumental yung parts ni Hyolyn!" Inilapag ko ang hawak kong papel at napatakip sa mukha.

"Kasi nga ikaw ang deserving para sa part na yan." Rinig kong sabi ni Darlene.

Inalis ko ang takip sa mukha ko at tiningnan siya.

"Trainee palang ako!"

"Inna, sa ating lahat ikaw ang pinakamagaling kumanta. Sobrang galing mo kaya ikaw ang pinili nila para diyan." Sabi naman ni Takki.

Mariin akong pumikit saka dinampot ang papel kung saan nakasulat ang lyrics ng kanta na kakantahin ko. Pinapa-kabisa sa akin ang lyrics pero matagal ko na itong kabisado dahil fan ako ng grupo na kumanta nito. One and Only You by GOT7 feat. Hyolyn ang kanta.

Kanina lang ay ipinaalam sa amin ni teacher Hong na magkakaroon ng malaking event ang KCC at magpeperform doon ang SB19. Sinabihan niya kami na kailangan naming mga trainees pumunta. Sinabihan niya rin ako na magpeperform din ako kasama si Paulo. Kakantahin namin yung One and Only You.

"I understand na first time mo magpeperform para sa isang big event pero there's nothing you should be nervous of. Magaling ka at magandang opportunity ito to showcase your talent." Dagdag pa ni Takki.

"Tama si Takki, Inna." Pag sang-ayon nila Trix at Sofia.

"Tsaka si Sejun ang kasama mo magperform, bakit ka kakabahan?" Sabi naman ni Lyka.

'Yon nga... Si Paulo ang kasama ko magperform.

"Ahh! Gets ko na si Inna. Sino bang hindi kakabahan kung leader ng SB19 makaka-duet mo? Yung pressure na hindi ka dapat magkamali. Sheshh!" Sabi ni Darlene.

Nagtawanan sila. Nakitawa rin ako pero hindi ko naiwasang matulala nanaman sa hawak kong papel. Bumuntong-hininga ako.

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na tiningnan kung sinong pumasok.

"Hello po, kuya Sejun!" Bati ng mga kasama ko kaya napa-angat ako ng tingin.

"Hello, kumusta kayo?" Tanong ni Paulo.

"Okay naman po!" Sagot nila.

"Good, that's good." Ngiti ni Paulo saka bumaling sa akin. Natauhan naman ako at narealized na napatulala ako sa kanya. "Nasabihan ka na ba? About our performance?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo na." Sabi ko at pumilit ng ngiti.

"Tara, practice na tayo." Nakangiting aya niya.

"Huh? 'Wag muna ngayon. Mag practice ka muna para sa performance niyong lima." Sabi ko.

"Sabi ng staff mag practice na raw tayo." Aniya.

"Alam ko naman na 'tong kanta."

"That's great! Hindi ko pa napapakinggan yung song, you can teach me." Excited na sabi ni Paulo.

"Madali lang naman sayo yan. Kaya mo na yan."

Bahagyang nawala ang ngiti ni Paulo pero agad din niyang ibinalik.

"O-Okay, magpractice tayo kapag na-aral ko na yung song." Nakangiting sabi niya.

"Sa sunod na araw na tayo magpractice. Mag focus ka muna sa grupo mo." Sabi ko saka binigyan siya ng maliit na ngiti.

Three days mula ngayong araw ang event.

"Okay, sige." Aniya at nagpaalam na babalik na sa mga ka-grupo niya.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now