CHAPTER 3

577 23 7
                                    


MARIIN kong pinikit ang mga mata ko.

Muntik na yun ah.

Yumuko ako at ipinatong ang mga kamay sa tuhod. Nakakapagod tumakbo. Hanggang ngayon ay hinahabol ko ang hininga ko.

"HAHAHAHA buang ka talaga Stell!"

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong naituwid ang tayo ko. Ang boses na yun... Si Ken yun!

"Gago, totoo nga!" Shit. Si Stell yun. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil papalapit nang papalapit ang mga boses nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang sa wakas ay matanaw ko silang lumiko papunta sa akin.

Tadhana naman! Alam kong asawa ko sila pero hindi mo naman kailangang gumawa ng paraan para magkita kami!

Agad akong tumalikod at pilit na isinisiksik ang sarili sa pader na para bang kaya ako nitong itago. Kung kanina ay nagtatawanan sila, ngayon ay natahimik sila. Marahil ay nakita na nila ako.

Waahhhh! Semento lamunin mo na ako, ngayon na!

Papalapit nang papalapit ang hakbang nila at naririnig ko silang nagbubulungan pero hindi ko maintindihan. Nakalugay ako kaya ginawa kong pantakip ang mahaba kong buhok sa mukha ko. Huhu katapusan ko na ba?

Napaigtad ako nang maramdaman ang presensya ng isang tao sa harap ko.

"WAHHH M-MULTO BA Y-YAN?" sigaw ni Stell. Gusto kong matawa pero dahil sa kinakabahan ako ngayon hindi ko magawa.

"Sshhh tao yan, Stell." Rinig ko namang sabi ni Ken.

"Miss?" Napaatras ako nang hawakan ni Josh ang balikat ko. Siya pala ang nasa harap ko ngayon.

"Miss okay ka lang?" Naaninag ko siya na mas lumapit pa saakin.

Waahhh help meee!

"Wag mong takutin, Josh." Nanlaki lalo ang mata ko nang marinig ang boses ni Justin!

"Siya nga itong nakakatakot eh!" Nanginginig ang boses na sabi ni Stell.

"N-naligaw l-lang p-po a-ako. S-sige a-alis na a-ako." Sabi ko habang patuloy na umaatras.

At nang maramdaman ko na medyo nakalayo na ako kay Josh ay tatalikod na sana ako sakanya nang bigla ay matisod ako.

"Waaahhh!" Napasigaw ako dahil matutumba na ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko at tinanggap ang kapalaran ko na mababagok na ang ulo ko.

Ilang saglit pa ay hinintay kong bumagsak ako sa sahig pero wala. Imbes na bumagsak ako sa sahig ay naramdamdan ko ang kamay na nakapulupot sa bewang ko. Agad kong inimulat ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mata ko sa pares ng kulay-kape na mata.

Hindi ako makagalaw at parang nanigas na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naririnig ko na ang tibok ng puso ko at nagsisimula na ring mangalay ang likod ko dahil nakaliyad ako.

"S-Sejun."  Iyon nalang ang nasabi ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Sobrang ganda ng mga mata niya.

Nagsisimula na ring uminit ang mukha ko. Bawat segundo dumodoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Mamatay na yata ako.

"Okay ka lang, miss?" Natauhan ako ng bigla ay lumapit sa amin si Justin.

Dali-dali akong umalis sa braso ni Sejun at tumayo ng tuwid. Ngayon ko naramdaman ang sakit ng paa ko gawa ng pagka-tisod ko. Pero wala akong oras para indahin pa iyon. Kailangan kong makaalis dito.

Iniwas ko ang mukha ko kay Justin. Hindi niya ako pwedeng makita!

"O-Oo. Sige, alis na ako." Sabi ko at humakbang pero napa-aray ako dahil ang sakit ng paa ko. Napahawak ako sa pader.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now