CHAPTER 16

435 23 1
                                    


"Andrea? Inna?" Natuod nalang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Sejun. Napaharap sa kanya si Andrea habang ako ay hindi makatingin ng diretso sakanya. "Anong nangyayari dito?" Tanong niya.

"Kasi si Inna-"

"WALA! UMALIS KA DITO!" sigaw ko saka malakas na sinara ang pinto. Nagsimulang uminit ang mukha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Imbes na sa puson ako ngayon nakahawak ay hawak-hawak ko ngayon ang dibdib ko habang mabilis ang paghinga. Napasandal nalang ako sa likod ng pinto at mariin na pinikit ang mga mata. Madiin kong nakagat ang ibabang labi ko.

Nakakahiya.

"Hoy! Inna!" Rinig kong tawag ni Andrea saakin.

"Inna?" Tawag pa ni Sejun.

Iminulat ko ang mga mata ko at napalingon sa malaking salamin sa harap ko. Pinagmasadan ko ang sarili ko at doon ko nakitang mukha nanaman akong mapulang patatas.

"Is she okay?" Rinig kong tanong ni Sejun.

"Yes. I guess. But I can handle this, you can go now. I think Inna doesn't want you here." Sagot naman ni Andrea. Napahinga ako ng maluwag. Tama yan, Andrea. Hinintay ko ang sagot ni Sejun.

"Galit ba siya sa akin?" Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tanong ni Sejun.

"Huh? Hindi! Its just that... Ahm... Ano..." Nauutal na wika ni Andrea. Napahawak nalang ako ulit sa puson ko at huminga ng malalim.

"Hindi ako galit sayo kuya Sejun." Wika ko. "May p-putik kasi ako sa damit. B-Basta! Di mo na ito problema, kaya alis ka na please!" Nakikiusap na sabi ko.

"Ganun ba? Sige..." Marahang sagot nito.

"OMG! wait! Pwede mo bang samahan muna dito si Inna? Tapos aakyat ako sa taas para kumuha ng garments niya?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea.

"W-WAG! HINDI PWEDE!"

"But Inna, this is the only way."

"A-Ayoko... Wag mo akong iwan dito." Pakiusap ko sakanya.

"Are you sure Inna? Mabilis lang naman yan si Andrea. Tsaka hindi naman kita iiwan dito kaya wag kang mag-alala." Sambit ni Sejun.

AAAHHHH BAKIT BA NANGYAYARI ITO? HINDI... HINDI PWEDE!

"G-Ganito nalang. Umalis ka na tapos lalabas na ako para wag mo akong makita. Tsaka kami babalik nang magkasama ni Andrea sa dorm namin." Sabi ko. Napahawak akong muli sa dibdib ko.

"Sige... But, I hope you're fine. Mauna na ako." Rinig kong sabi ni Sejun. Nakahinga ako ng maluwag.

"Pasensya na Sejun, problema namin itong mga girls eh. Kaya you won't understand." Wika ni Andrea.

"Okay lang. Sige, bye na." Paalam ni Sejun. Pero maya-maya lang ay nangunot ang noo ko sa huling sinabi niya. "Ahm. Wag muna kayo aalis diyan, babalik ako." Nang masiguro kong wala na siya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Nakatayo pa rin doon si Andrea.

"Hoy! Siraulo ka! Bakit mo binalak na iwan ako dito kasama si kuya Sejun?" Inis na tanong ko kay Andrea.

"Gaga, yun nalang yung paraan kesa naman forever ka na diyan sa loob ng cr." Umiirap na sabi niya. "But anyways, maghintay daw tayo dito sabi niya kaya I guess kailangan mo pang magtiis." Dagdag pa niya.

"Bakit daw ba?" Tanong ko.

"Aba malay ko. 'Di naman niya sinabi."

"Lalabas na ako. Bumalik na tayo sa taas. Sobrang sakit na ng puson ko eh." Nakangusong sabi ko.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now