CHAPTER 20

470 28 5
                                    


Pagkalabas ko ng pinto napatingin ako sa dulong bahagi ng hallway. May hagdan doon at sa itaas ay rooftop na. Doon kami madalas na nagsasampay ng mga damit namin pagkatapos maglaba. Hindi ko alam pero biglang parang gusto kong pumunta doon. Kaso hahanapin ko pa si Andrea. Pero mabilis lang, wala naman mawawala.

Naglakad ako patungo sa hagdan at nagsimulang humakbang paitaas. Binuksan ko ang pinto at agad na yumakap saakin ang malamig na hangin. Madilim na sa labas pero dahil sa dalawang poste ng ilaw ay nagkakaroon ng malalam na liwanag kahit papaano. Isasara ko na sana ang pinto at bababa na ako nang marinig ko ang pamilyar na lagom ng boses.

"Kahit 5 minutes lang, kahit ngayon lang. Namiss lang talaga kitang kausap eh." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Hinanap ko ang may ari ng boses at doon sa pinakasulok ng rooftop ko ito nakita. Nakaupo at nakapatong ang ulo sa tuhod niya. "Ganun po ba? Sige. Ingat kayo diyan." Malungkot nitong ibinaba ang cellphone niya saka tumingala sa langit. Pinagmasdan ko siya hanggang sa napansing nandito ako.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya.

"Hindi naman." Sagot ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at naglakad papalapit sa kanya. Madilim man ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa nakikita ko.

"Wala. Nagpapahangin." Maikling sagot niya at sinimulan niyang kalikutin ang cellphone niya. Naupo ako sa tabi niya.

Tahimik lang siya kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa mga bituin sa langit. Sanay naman akong tahimik siya pero iba ang pagkatahimik niya ngayon. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya. Kaya ayaw ko munang umalis sa tabi niya para kahit papaano ay maramdaman niyang may kasama siya. Palagay ko rin ay tama ang iniisip ko sa kung bakit siya ganyan ngayon. Yun lang ang naiisip kong dahilan, at yun nga marahil ang dahilan.

"Bumalik ka na sa dorm mo. Anong oras na." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Walang emosyon itong nakatingin sa cellphone niya. Hindi ko tuloy napigilan at napatingin na rin ako doon. Lalong kumirot ang puso ko nang makitang chinachat niya ang mama niya. Marami na siyang naichat. Lahat mahaba.

"Mama mo ba yung kausap mo kanina, kuya Ken?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya saka ibinaba ang cellphone niya. "Hindi naman kami nagkausap." Sabi nito at bumuntong-hininga.

"Kaninang umaga ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Naiintindihan ko naman dahil busy siya. Busy sila ni papa. Nagchat ako, nagtext, kulang nalang i-email ko pa siya pero wala man lang akong natanggap na reply. Naiintindihan ko pa rin. Akala ko makakausap ko sila ng ganitong oras dahil sigurado namang break nila ngayon pero wala pa rin." Napatitig nalang ako sakanya habang sinasabi niya ang mga yun. Nakatulala lang siya sa kawalan habang nagsasalita. "Wait lang ang drama ko naman. Nasisira ang image ko sayo eh!" Pilit ang tawang aniya.

"Kuya Ken, okay lang. Pwede kang magkwento sa akin. Makikinig ako. No judgement, promise." Sabi ko sabay ngiti. Bumuga siya ng hangin saka muling tumingin sa langit. Ang bigat ng atmosphere.

"Siguro alam mo naman diba na lumaki ako sa grandparents ko?" Tanong niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Tumango ako kahit na hindi niya naman makikita. ''Lumaki akong walang mama at papa na kasama. Ilang birthday ko ang nagdaan nang wala sila. Grumaduate ako ng Elementary, High School, at College nang wala sila. Gutom at uhaw ako sa pagmamahal ng magulang. Kahit na sabihin nating nagtratrabaho sila para sa aming magkakapatid, iba pa rin yung may magulang ka sa tabi mo. Iba pa rin yung may magulang ka na matatakbuhan kapag may problema ka." Aniya saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ilang sandali kaming natahimik, akala ko ay hindi na siya magsasalita pero ilang saglit pa ay muli siyang nagsalita.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now