CHAPTER 36

280 14 2
                                    

Nagdadalawang-isip ako kung babawiin ko ba ang kamay ko kay Sejun o hahayaan nalang ito. Nanatali kami sa kinatatayuan namin at lumapit naman si JB. Ngiting-ngiti siya at hindi inaalis ang tingin sa akin.

Inangat ko ang tingin kay Sejun dahilan para lingunin niya ako. Ngumiti ako para sabihin na okay lang kaya dahan-dahan na niyang binitawan ang kamay ko.

"Hi." Pumilit ako ng ngiti kay JB.

"Kumusta?" Tanong niya.

"Okay naman. Ikaw?"

"Okay na okay! I thought hindi na kita naabutan. Tinakas ko lang yung motor sa pinsan ko." Tawa niya.

Tumawa ako.

"You don't seem surprise na andito ako. May nagsabi sayo 'no?" Tanong niya. Tumango ako.

"Tumawag sa'kin si Ren."

"Thanks to her, nalaman kong andito ka. I didn't expect talaga na andito ka kasi a week after ng moving up natin pumunta na ako dito. Wala na akong balita sa'yo." Kwento niya. Pumilit ulit ako ng ngiti.

Napalingon siya kay Sejun at napakurap-kurap siya na parang iniisip kung sino ito. Tiningnan ko si Sejun, kunwari niya lang inililibot ang tingin sa lobby. Nakasuksok ang kamay niya sa bulsa. Nanlaki ang mata ni JB bigla at ibinalik ang tingin sa akin.

"S-Siya yung--"

Bumuntong-hininga ako.

"A-Ano, hindi ko pa pala kayo napapakilala sa isa't isa." Napakamot ako ng batok.

"Kuya Sejun, si JB, dati kong kaklase."

"JB, si kuya Sejun..." Hindi ko alam kung paano ko siya ipapakilala.

"D-Diba po ikaw yung sa SB19?" Tanong ni JB.

"Yes." Ngumiti si Sejun.

Namilog ang bibig ni JB. "Wow..."

Tumingin sa akin Sejun, "I'll go to the cafeteria. Hintayin kita doon." Ngiti niya sa akin.

"Bumalik ka na kaya sa taas, ang dami mo pang gagawin." Sabi ko.

"It's fine." Kinuha niya sa akin ang hawak kong gitara at naglakad na papuntang cafeteria.

Nang tingnan ko si JB ay nakasunod pa rin ang tingin niya kay Sejun. Nang mawala na ito sa paningin niya ay namamangha siyang tumingin sa akin.

"Seryoso ba, siya yung sa SB19? Yung idol mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo." Natawa ako sa itsura niya.

"Ba't magkasama kayo? Close kayo?"

"Oo." Nakangiti akong tumango. "Pero 'wag mo na tanungin kung paano kasi mahabang kwento."

"Okay... Wow, grabe nakakita ako ng artista." Napatakip siya ng bibig.

"Secret lang 'to, JB ha? 'Wag mong sasabihin kahit kanino na trainee ako dito at nakita mo akong kasama ni kuya Sejun." Seryosong sabi ko. Tumango naman siya.

Bumuntong-hininga ako. Naalala kong kalat na pala sa A'Tin stan twitter na trainee ako. Wala na ring silbi kong isisikreto ko.

"I mean, sige pwede mong sabihin na trainee ako dito pero 'wag mong sabihin kahit kanino na nakita mo kaming magkasama ni kuya Sejun. Alam mo naman ang fans, baka ma-bash ako."

"Okay, naiintindihan ko." Ngiti niya.

"Tara muna sa labas? May nakita akong mini stop sa malapit, gusto mong ice cream?" Tanong niya.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now