CHAPTER 15

525 27 6
                                    

[A/N: HAPPY 1K READS!ㅠ.ㅠ Thank you so Much everyone! Kinikilig ako, wala pa nga sa kalahati ng story naka-1k reads na agad huhu! Thank you talaga sa pagbabasa! Kahit puro mga eme-eme  lang ito HAHAHA.]


NANDITO kami ngayon sa isang maliit na clinic sa loob ng building. Walang kurap akong nakatingin kay Sejun na seryosong ginagamot ang sugat ko. Nakaupo ako ngayon sa hospital bed habang siya naman ay nakaupo sa isang monoblock chair. Tumayo na siya matapos lagyan ng bandage ang kamay ko.

"Next time kasi mag-iingat ka na, Inna." Sabi ni Stell na nakatayo ngayon sa harap ko kasama yung tatlo. Inaayos naman ni Sejun ang mga ginamit niya sa paggamot saakin. Tinago ko naman sa bulsa ko ang panyo ni Sejun na may dugo ko, lalabhan ko muna. Nakakahiya naman kung ibabalik ko ito ngayon.

"Maliit lang naman na sugat ito eh." Nakangusong sagot ko.

"Maliit nga pero what if mas malaking sugat pa ang nakuha mo?" Napalingon ako nang magsalita si Sejun. Napayuko ulit ako nang makitang seryoso siya. Hinimas ko nalang ang bandage sa kamay ko.

"Hindi naman masakit eh." Sabi ko pa.

"Tsk. Next time let me peel every fruit you'll eat. Wag ka nang hahawak ng kutsilyo." Sabi pa nito. Muli akong napatingin sakanya at kumurap ng dalawang beses. Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Hindi ko alam pero natawa nalang ako. Tiningnan ko siya at nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. Sinabayan ako ni Justin sa pagtawa at nag apir pa kami.

"Ang OA naman, Paulo." Tumatawang sabi ni Justin.

"What? Do you think makakayanan ni Inna na magbalat ng prutas sa lagay ng kamay niya?" Tanong nito kay Justin kaya naitikom namin pareho ang bibig namin.

"Tama si Paulo, Inna. Next time iutos mo nalang sa amin ang pagbalat. Para na rin wag na maulit ito." Sabi ni Josh at napatango nalang ako.

"Pwede na ba tayong bumalik sa taas? Gusto kong umidlip." Sabi ni Ken. Napatikhim si Stell at hinarap kami ni Justin.

"Inna at Justin bumalik na kayo sa taas. Tayong apat maiwan dito." Sabi ni Stell kaya nagkatinginan naman kami ni Justin at sabay na nagsalubong ang kilay.

"M-May pag-uusapan kayo 'no?! Isali niyo naman ako! Inna, bumalik ka na sa taas maiiwan rin ako dito." Sabi ni Justin at naguguluhan naman akong tumango.

"O...kay." sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita ulit si Stell.

"Jah. Akyat rin sa taas." Seryosong sabi ni Stell. Nagsisimula na akong ma-curious kung bakit biglang naging seryoso si Stell. Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

"Aish! Tara na nga, Inna." Inis na sabi nito at hinila ako. Nilingon ko pa si Sejun at nagpasalamat. Nang makalayo na kami ng kaunti sa clinic ay tumigil sa paglakad si Justin at nakanguso akong hinarap.

"Pangatlong beses na ito. Naiinis na ako." Saad niya.

"Pangatlong beses na ano?" Tanong ko.

"Ang sabi ni miss Hong, dapat ay wala kaming secret sa isa't isa. Kapag may problema ang isa, kailangan sabihin sa lahat. Kapag may pag-uusapan, kailangan lahat kasali. Pero ngayon... Pangatlo na ito. Hindi nanaman nila ako sinali sa kung ano ang pag-uusapan nila." Dismayadong sabi niya.

"Hayaan mo na. Baka hindi lang talaga pwede." Sabi ko at nginitian siya pero lalo lang siyang sumimangot.

"Akala kasi nila hindi pa ako mature para sumali sa usapan nila. Tinatrato pa rin nila akong parang bata." Sabi niya at bumuntong-hininga. Nakatingin siya ngayon sa  clinic at parang batang salubong ang kilay at mahaba ang nguso.  Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa itsura niya. Sa kabilang parte ay napapaisip ako kung ano ang pag-uusapan nung apat at kung ano ang sinasabi ni Justin na pangatlo na ito? Kailan yung huli at bakit kailangang hindi siya isali?

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now