CHAPTER 19

486 25 19
                                    


HINILA ako ni Ken papunta ng ds. Para itong natataranta na ewan. Parang nakalimutan na nga niyang hinihila niya ako, akala niya siguro ay hita ng manok ang hawak-hawak niya. Nang makapasok kami sa ds ay doon niya binitawan ang kamay ko. Pagkapasok namin ay dinatnan namin si Stell na mukhang kararating lang rin habang si Justin at Josh naman ay kapwa hawak ang cellphone nila habang nakaupo sa couch.

Gusto ko sanang bumalik sa music studio para alamin kung bakit sumisigaw si Sejun kaso natatakot ako. Hindi ko rin naman maisip kung bakit niya sisigawan si ate Rite ng ganun. O baka hindi lang naman silang dalawa ang nandun, baka silang dalawa lang ang nakita kong pumasok dun pero may nauna pang pumasok?

Nagmamadaling lumapit si Ken dun sa tatlo kaya napunta ang atensyon nila kay Ken. Ano bang meron? May problema ba? Hay, syempre meron nga. Pero ano yun?

Ang tsismosa ko na ba?

"Mga dre, si ano—si—ano tas si ano—" utal na wika nito. Nagsalubong naman ang kilay ko kasabay ng pagsalubong rin ng sa tatlo.

"Uy Ken, anyare? Anong ano ano?" Tanong ni Stell sa kanya. Napalakad naman pakaliwa at pakanan si Ken na para bang hindi alam kung paano sasabihin ang gusto niyang sabihin bago siya nagsalita ulit. Pero this time ay hininaan na ni Ken ang boses niya.

Ito ba yung tungkol sa nangyari sa music studio? Big deal ba yun para magkaganyan si Ken? At bakit ganito yung puso ko? Ayaw ko sanang pansinin ang pagkirot nito pero masyadong papansin eh. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at napahawak sa tapat ng puso ko. Bakit ganito? Natauhan lang ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin at doon ko nakita si Josh na kunot-noong nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang kamay ko at muling tiningnan sila Ken at Stell.

"Ano?!"

"Oo nga. Kaya puntahan mo na. Alam mo naman yun, baka kung ano pang masabi niya kay Rite." Rinig kong sabi ni Ken kay Stell. Maging si Josh at Justin ay pilit rin na pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Eh, bakit ako? Dapat kasi pinasok mo na kanina."

"Buang! Kita mo namang kasama ko si Inna, anong gusto mo ma—"

"Oo na. Ako na. Hintayin niyo kami bago kayo mag start." Paalam ni Stell tsaka ito lumabas ng pinto.

"Anong nangyayari Ken?" Tanong ni Josh.

"Dre, nag-uusap yung dalawa." Nakapamewang na ani Ken saka sumalampak sa gitna ni Josh at Justin.

'Yung dalawa' ibig sabihin si Sejun at ate Rite lang nga ang nag uusap. Napakagat ulit ako sa ibabang labi ko at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang sabi ni Justin kanina ay may inaasikaso si Sejun. Yun ba yung inaasikaso niya? Buong hapon ko siyang hinahanap tapos makikita ko lang siyang—Natigilan ako sa sariling iniisip. Napalunok ako ng sariling laway bago napailing. Eh ano naman saakin kung magkausap sila?

"Si—?"

"Oo. At hindi maganda ang daloy ng usap nila."

"Wait, kung nag-uusap sila malamang hindi talaga magiging maganda ang flow nun. Sinabihan ko na si ate Rite na wag muna eh." Singit ni Justin sa usapan.

"Pero mabuti na rin yun para maayos na nila diba?" Wika ni Josh.

Maayos ang alin?

"Sabagay, pero sa narinig ko kanina mukhang malabong maayos ngayon." Sabi pa ni Ken. Hindi ko napigilan at nagsalita na ako. Napalingon sila sa akin at mukhang nakalimutan pa nilang andito ako dahil bahagya pa silang nagulat nang makitang nakatayo ako dito.

"S-Sa trabaho lang diba yung pinag uusapan nila?" Tanong ko habang nakatingin sa mata ni Ken agad itong umiwas ng tingin kaya kay Josh ako tumingin. "Kuya Josh?" Umaasa akong oo ang isasagot nila.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now