CHAPTER 10

504 23 0
                                    


"Inna." Tawag sa akin ni Andrea.

Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya. Sa likod niya ay yung apat na halos hindi makatingin nang diretso saakin. Gusto kong matawa sa itsura nila dahil mukha silang mga maamong tupa.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Pst, dali na." Bulong ni Lyka sakanila.

Nagsisikuhan sila at si Andrea naman na nasa unahan ay lumilingon sa apat na nasa likod niya.

Ano bang nangyayari? Nakagat ko na ang labi ko dahil nagpipigil na ako ng tawa. Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Andrea bago siya nagsalita.

"Ano kasi... Sorry dun sa kanina. Sorry kung naging immature kami. Nakakahiya." Wika niya.

Ahh... Yun ba? Napatango-tango ako.

"Tsaka sorry dun sa pagpahamak ko sayo kanina." Dagdag pa niya.

"Oo nga, ako rin, sorry." Sabi naman ni Christopher.

Hindi ako umimik. Tiningnan ko sila isa-isa. Grabeng pagpipigil ng tawa ang ginagawa ko ngayon. Promise, nakakatawa ang itsura nila ngayon. Gusto ko mang pag tripan muna sila at mag kunwaring galit para makaganti pero hindi ko na napigilan at natawa na ako.

Nagtataka nila akong tiningnan pero tawa lang ako ng tawa. So, akala pala nila galit ako? Potek hahaha. Napahawak na ako sa tiyan ko at pilit na tinitigil ang pagtawa ko pero hindi ko magawa. Tinalikuran ko nalang sila at nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Pinunasan ko na rin ang namuong luha sa gilid ng mata ko dahil sa pagtawa.

"Oy, Inna!" Rinig kong tawag saakin ni Lyka pero hindi ko na sila pinansin at sumakay na ako ng elevator. May kasabay akong ilang campers sa elevator kaya tumigil na ako sa pagtawa. Sinubukan pa nilang sundan ako pero hindi na sila kasya sa elevator kaya wala silang nagawa. Salubong ang kilay nila at nagtataka akong tiningnan hanggang sa magsara na ang elevator.

Hindi naman kasi ako galit. Hindi ako mabilis magalit lalo na sa mga simpleng bagay. Yung nangyari kanina, sanay na ako sa mga ganun. Immune na ako sa mga kamalasang nararanasan ko sa buhay. Pero honestly, hindi ako sanay sa mga taong kagaya ni Jasmine. Ayaw ko na may taong galit sa akin.

Bumukas ang elevator at iniluwa kami nito sa 2nd floor. Sinundan ko nalang ang ibang campers kung saan sila pupunta. Pumasok kami sa isang cafeteria. Napansin kong may mga numero ang mga lamesa. Baka by group pa rin ang pagkain kaya hinanap ko ang number 6 at nang makita kong wala pang tao sa lamesang iyon ay tumungo ako doon.

Nakita ko pa si Kyla at Vicky. Halata naman sa mukha nila na nag aalala sila saakin kaya nginitian ko nalang sila. Nakita ko rin si Jasmine na naka smirk pa sa akin. Kinabahan naman ako. Nakakatakot siya. May parte rin sa akin na naguguilty sa nangyari.

Nang makaupo na ako ay nakita kong pumasok ay nakita ko ang pagpasok nila Andrea. Inilibot nila ang tingin sa loob at nang makita ako ay mabilis silang pumunta saakin.

"Bakit mo kami iniwan ha? At bakit mo kami tinawan kanina?" Agad na tanong sa akin ni Andrea.

Naubos na ang tawa ko kanina kaya ngiti nalang ang naibigay ko sa kanila.

"Bakit ba kasi nag sorry kayo kanina?" Tanong ko.

Naupo sila at hinintay ko naman ang sagot nila.

"Eh kasi nga galit ka." Sagot ni Zyrill.

Tumawa ako ng marahan. "Sino ba may sabing galit ako?" Wika ko at natigilan naman sila. 

"Aysus, basta ano, kalimutan na natin yun. Kumain nalang tayo!" Masiglang sabi ko.

Kumuha na kami ng utensils at nakipila kasama ang ibang campers para makakuha ng pagkain. Kumain na kami at habang kumakain ay pinag usapan na namin kung ano ang gagawin mamaya. Stay by Daryll Ong ang kanta. Pagkatapos naming kumain ay humanap kami ng lugar kung saan kami pwedeng magpractice.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon