CHAPTER 8

590 27 4
                                    


NAKATAYO kami ngayon ni Sejun sa dulong bahagi ng hallway. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sobrang lapit niya sa akin.

"Anong pag-uusapan natin?" Ginawa ko ang best ko para wag mautal.

"May itatanong lang ako." Seryosong sabi niya.

Mabuti nalang at suot ko pa rin ang mask na ibinigay niya sa akin kaya kahit papaano ay natatakpan ang mukha ko.

"Ano?"

Ilang sandali siyang tahimik at nakatingin lang sa akin. Hindi ako tumitingin sakanya dahil alam kong kapag tumingin ako ay hindi na maaalis pa sa kanya ang mga mata ko.

Kinakabahan ako sa kung ano ang itatanong niya. Tungkol ba ito sa pag usap nila kanina ni Mama Mich?

"I want an honest answer, Inna." Napalunok ako. Bakit kailangan mong mag-english? Natetense tuloy ako!

"Ano ba yun?" Tanong ko.

Bumuntong-hininga siya.

"Aish, nevermind. Tara, pasok na tayo." Wika niya at hinawakan ako sa braso at hinila ako papasok.

Nevermind daw? Balak niya ba akong patayin sa kaiisip kung ano yung gusto niyang itanong? Hays Sejun naman!

"Teka! Ano ba yung itatanong mo?" Sabi ko at binawi ang kamay sakanya.

"Nakalimutan ko na. Tara na, kailangan na naming mag-practice." Sabi niya at hindi na ako hinintay pa at pumasok na siya.

Napanguso nalang ako. Ano ba kase yon?

Ilang saglit pa akong nanatiling nakatayo sa labas. Inilagay ko ang mask sa ibaba ng baba ko ng maramdamang nawala na ang pag init ng mukha ko. Hawak ko rin ang cap na ipinahiram sa akin kanina ni Josh. Huminga ako ng malalim saka pumasok na sa loob.

Inabutan ko silang nagkwekwentuhan habang nagwawarm up. Sobrang ganda nilang panoorin. Palihim nalang akong napangiti saka naglakad papunta sa couch at doon naupo. Hinanap ko si Snow at nang makita ko itong nakaupo lang sa sahig malapit sa mesa ay hinayaan ko na muna ito doon.

"Okay, start na tayo. Let's get it!" Wika ni Sejun at nagsimula silang pumunta sa kanya-kanyang formation.

Nagsimulang tumugtog ang ALAB at nagsimula silang sumayaw. Seryoso sila habang sumasayaw at natatawa ako sa tuwing sinusubukan ni Justin na mag make face habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Kagaya kanina ay paulit ulit nila itong pinapatugtog.

"Parang gusto ko makarinig ng cheer." Wika ni Josh at nakita kong sumulyap siya sa pwesto ko gamit ang salamin.

"Oo nga. First time nating mararanasang may nagchecheer habang nagpapractice." Sabi pa ni Stell.

"Nagpaparinig ba kayo?" Natatawang sabi ko.

"Oo, buti nga narinig mo eh." Tumatawang sabi ni Josh. Tumawa silang lahat at nagsimulang pilitin akong magcheer sa kanila habang sumasayaw sila.

Tinawanan ko nalang sila at hindi pinansin. Ayaw kong magcheer sa kanila ng ako lang. Kung kasama ko si Ren o kahit isang A'Tin ay gagawin ko pero yung ako lang? No way. Iba ang level ng pagfafangirl ko kapag mag isa lang ako. Naalala ko sa tuwing nanonood ako ng videos nila sa bahay ng mag-isa halos mabasag lahat ng mababasagin sa bahay sa lakas ng tili ko. Ilang beses ko na ring na-murder ang unan ko sa tuwing kinikilig ako. Ayaw ko namang magmukhang baliw sa harap nila.

"Ayaw mo talaga?" Tanong ni Josh.

"Ayaw." Madiing sabi ko.

"Guys, 'di natin bati si Inna ha?"

Sumang ayon naman silang lahat sa sinabi ni Josh. Bahala sila sa buhay nila.

"'Di ba cheer, yung tagalog ng upuan?" Biglang sabi ni Justin dahilan para matawa ako. Natawa rin ng mahina si Sejun at Josh.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now