CHAPTER 7

546 30 6
                                    


"Bakit mo naitanong?" Tanong saakin ni Justin.

"W-Wala naman. Ang astig lang." Pagsisinungaling ko.

Kung isa man sakanila ang lalaking yun, malamang alam niya kung bakit ako nagtatanong.

"Josh, tawagan mo na kasi si Ate Eunice. Gusto ko nang kumain." Sabi ni Ken.

"Eto na nga." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at tumawag doon.

"Hoy, Ken! Lahat naman tayo may initial na J ah." Biglang sabi ni Justin. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ehh? Jah, Stell ang pangalan ko, walang J dun." Sabi naman ni Stell.

"Wala ba? Akala ko StellJester ang pangalan mo." Pagkasabi niya nun ay tumawa siya ng tumawa.

Nagkatinginan nalang kaming tatlo nila Stell at Ken.

"Ewan ko sayo! Yan siguro epekto ng walang kain." Sambit ni Stell.

"Kuya, kumain yan si kuya Justin yun nga lang puro mais." Sabi ko naman.

Natawa naman sila sa sinabi ko.

"Hala paano mo nalaman? Dahil diyan apir tayo!" Wala na akong nagawa nang kunin ni Justin ang kamay ko at malakas na inihampas sa palad niya.

"Gago ka, Jah! Ang lakas nun!" Saway sakanya ni Ken.

"Hahaha sorry, Inna. Hindi naman yun masakit, diba?" Tanong niya sa akin. Um-oo nalang ako kahit na ang hapdi ng palad ko dahil sa ginawa niya.

"Patingin nga ng kamay mo." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sejun at hinawakan ang kamay ko.

"Namumula ang palad niya. Ikaw talaga! Napakakulit mo. Sino ba nanay mo ha?" Inis na sabi ni Sejun.

"Si Mrs. De Dios, bakit?"

"Hayaan mo na yan, Paulo. Kailangan lang talaga niyan makakakain." Sabi ni kuya Stell.

Hindi ko napigilang mapangiti habang pinapanood kung paano sila magkulitan at mag asaran. Oo nga't napapanood ko sila sa mga videos na ganito rin pero iba pa rin talaga yung pakiramdam ngayon na nakikita ko sa personal kung gaano sila kalapit sa isa't isa.

"Baka gusto mo nang bitawan ang kamay ni Inna, ano Paulo?" Wika ni Ken dahilan para matauhan kaming pareho ni Sejun at bumitiw.

"Guys! Andito na ang kanin!" Sigaw ni Josh nang bumukas ang pinto.

Pumasok doon ang isang babae. Pamilyar siya sa akin, siya yung nagbabantay sa cafeteria. Ate Eunice pala ang pangalan niya.

"Hay salamat, makakakain na rin sa wakas!"

"Oh, may bagong mukha dito ah. Kaninong kapatid 'to?" Tanong ni Ate Eunice.

"Hahaha hindi po namin yan kapatid. Isa po siya sa mga camper." Sagot ni Justin.

"Ay ganun ba? Eh bakit andito ka, hija? Aba'y lahat ng camper ay lumabas ah." Nagtatakang tanong niya.

"Oo nga, Inna?" - Ken.

"Bago lang po kasi ako sa ganito kalaking lugar. Baka kapag lumabas po ako hindi na ako makabalik dito." Sagot ko.

Natawa naman silang lahat.

"Ganon ba? Oh siya sige, maiwan ko na kayo. Marami pa akong kailangan gawin sa ibaba."

"Salamat po!" Sabi ni Sejun sakanya.

"Taga-saan ka, Inna?" Tanong sa akin ni Ken.

"Bicol, kuya. Taga-Naga City ako." Sagot ko.

"Oh? Edi nanood ka nung free concert namin doon?" Tanong ni Justin.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now