CHAPTER 14

510 21 2
                                    


NAKATULOG agad ako nang makarating ako sa dorm. Naabutan ko dito si Andrea na kararating lang din. Hindi ko naman gustong hindi siya pansinin kaso masyadong pangit ang nangyari kaya nawala ako sa mood. Narinig ko pang nagtanong ito kung okay lang ako pero hindi ko na siya nasagot. Tinawag nalang siya ni Lyka at alam kong ibabalita nito ang nangyari saakin.

Nagising ako nang maramdaman na tumabi sa akin si Snow. Hinimas ko nalamang siya at hindi maiwasang matulala. Nanginginig pa rin ako ng kaunti. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko at napahawak nalang sa dibdib kong sobrang bigat nanaman. Napalunok ako at pilit na pinigilan ang paghikbi.

Tama na, Inna. Please!

Bumangon nalang ako at lumabas na ng kwarto. Sabay-sabay pang napatingin sa akin sina Andrea na kasalukuyang kumakain na nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakikita ko sa mga mata nila ang pag-aalala. Huminga ako nang malalim at nagsimulang humakbang palapit sakanila.

"Inna..." Tawag sa akin ni Andrea.

"Okay k—" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Kyla at nagsalita na ako.

"Wow  sinigang! Sinong nagluto?" Sinubukan kong maigi na maging masigla ang pagkakasabi nun. Naupo na ako sa tabi ni Kyla at kumuha ng kakainan ko.

Halata namang nag-aalala pa rin sila kaya nginitian ko sila nang matamis kaya napangiti na rin sila.

"Ako. Eh tulog ka kasi pagdating namin at hindi rin naman marunong magluto ang dalawang bruhang ito kaya ako na ang nagluto." Wika niya at napatango naman ako.

Kumain na kami. Ilang beses ko silang nahuli na nagtitinginan. Marahil ay nagtataka kung anong nangyari. Nagbukas nalang ako ng topic para may mapagkwentuhan. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa tungkol sa nangyari. Pilit ko ring pinapasigla ang sarili ko.

Bago kami matapos kumain ay pinakiusapan ko sila.

"Pwede bang... Kalimutan niyo nalang kung ano ang nabalitaan niyong nangyari sa akin?" Wika ko. Muntik pa akong pumiyok nang sabihin ko iyon. Naguguluhan man ay ngumiti nalang sila at um-oo.

Lumabas ako ng dorm at tumungo sa dorm nila Lyka.

"Nandiyan ba si Lyka?" Tanong ko kay Takki na siyang nagbukas ng pinto.

"Oh, Inna." Bulalas niya nang makita ako. ''Wait, I'll call her.'' wika niya kaya naiwan muna ako dito sa labas.

Gusto ko lang sana mag sorry dahil pinag-alala ko siya kanina. Kahit naman nawala ako sa sarili kanina ay nakita ko kung paano siya nag-alala saakin.

"Inna!" Napalingon ako sa pinto nang lumabas doon si Lyka. Kagaya kanina ay nag aalala pa rin ito. "Kumusta?" Tanong niya saakin.

"O-Okay na ako." Nakangiting sabi ko sakanya. "Sorry pala kung pinag alala kita kanina." Sinserong sabi ko.

"It's fine. Pero ano ba talagang nangyari?" Tanong niya kaya umiling nalang ako.

"Kalimutan nalang natin yun, please?" Wika ko kaya napabuntong-hininga siya.

"I understand kung ayaw mong sabihin kung bakit. But remember na andito lang ako palagi, kung may problema ka, just call me." Sabi nito at napangiti naman ako.

"Thank you." Halos pabulong na sabi ko. Ngumiti siya.

"By the way, super nag enjoy ako kanina. Hindi ko man lang nafeel na out of place ako even though kanina ko lang nakasama yung apat." Nakangiting sabi niya.

"Teka, bakit apat lang?"

"Of course, I didn't enjoy being with Justin. Napaka-annoying at isip bata ng lalaking yun. Ang sakit niya sa ulo." Wika niya kaya natawa naman ako.

NEVER GONE [SB19 FF]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin