CHAPTER 24

529 33 27
                                    

KEN'S POV

We're here ngayon sa dance studio para sa training namin. We just finished and I can say na it's damn tiring. Pero nasanay na rin naman ako dahil ginagawa na namin ito for how many years na.

I sat sa couch at ininom ang tubig ko. Pinagmasdan ko ang members na ngayon ay kaniya-kaniyang pahinga na hanggang sa dumapo ang mata ko kay Paulo. Unlike nung mga nakaraan na ang heavy ng aura niya, ngayon ay bakas sa mukha niya na magaan na ito. Maybe kasi nagbati na sila ni Rite? Pero I think that's not the main reason. Nakadagdag lang siguro yun, but Inna's the main reason for sure.

Napatingin ako kay Stell nang tumayo siya at pumunta sa may mga gamit namin. I think this is the perfect time para makausap na siya at masabi ko ang mga bagay sakanya. I stand up from the couch at sinundan siya.

"Dre." I called him. He zipped his bag at nilingon ako.

"Oh?"

"What do you think will happen na ngayong bati na si Rite at Paulo?" I asked him, sandali siyang napatigil. Sumandal siya sa patong ng mga upuan, ganun rin ang ginawa ko.

"Ewan. Pero sa tingin ko wala nang chance na bumalik ulit sila sa dati." Tiningnan namin pareho si Paulo na ngayon ay nagpupunas ng pawis niya.

"Eh kayo ba ni Rite? May chance pa na bumalik sa dati, bespar?" Pabiro kong sabi pero tiningnan niya ako ng seryoso kaya agad ko ring binawi ang biro ko.

"Gago." Inis niyang inalis ang tingin sa akin kaya natawa ako.

"Pero seriously, same thought tayo. I don't think din na babalik pa sila sa dati lalo na ngayong may gusto nang iba si Paulo." Saad ko. Pinanood namin yung tatlo na ngayon ay busy na sa pag ayos ng mga gamit.

"Ken," nilingon ko si Stell "Do you think deserve ni Inna si Paulo?" Tanong niya, nagsalubong ang kilay ko.

"Anong ibig-"

"I mean, kasi hindi kayang aminin ni Paulo ang nararamdaman niya for Inna and there's Josh na hindi takot na ipagsigawan na gusto niya si Inna." He sighed.

"Stell I think natatakot lang si Paulo na masaktan ulit after what Rite did to him before. But he's trying. I can see it. Alam kong nakikita mo rin yun." I paused. "Wait, akala ko ba against ka sa nararamdaman ni Josh para kay Inna? Bakit parang biglang umiba ang ihip ng hangin?"

"Yes, pero narealize ko lang na wala akong karapatan para pigilan si Josh." He sighed again. "Gusto kong maging masaya siya. After ng mga pinagdaan niya buong buhay niya siguro ito na yung time para sumaya naman siya. Nakikita kong sa tuwing nandiyan si Inna, masaya siya eh. At bilang kaibigan niya natutuwa akong makitang masaya siya." Napatulala ako saglit kay Josh. Sa aming lima si Stell ang pinakamatagal nang kasama ni Josh. Isa siya sa mga naging takbuhan dati ni Josh sa tuwing ginagago ito ng mundo. "Wala na akong pake sa rules. I will support Josh no matter what. Kung kailangang itago ito sa management, eh 'di, go. Basta para kay Josh." Ngiti niya habang nakatingin kay Josh.

"Pero paano kung masaktan lang si Josh?" Wala sa sariling bulalas ko. I feel bad for Josh. It's true na masaya si Josh kapag nandiyan si Inna, napapansin ko rin yun. At tulad ni Stell ay masaya ako na makitang masaya ang kaibigan namin. Pero I know sa huli, masasaktan lang siya.

At isa pa, I'm with Paulo's side. He deserves to be happy too.

"Masasaktan? Bakit?" Napaharap siya sa akin. Napayuko nalang ako. "Ken, bakit masasaktan si Josh?" Ulit niya. I looked at Josh saka tumingin kay Paulo. I sighed.

"Inna talked to me. Nakita niya si Paulo at Rite na magkayakap sa garden, yun yung time na nagkabati na yung dalawa. Kung... Kung nakita mo lang si Inna habang kinekwento niya sa akin, she looks hurt. Para bang nasaktan siya sa nakita niya. He even asked kung may past daw ba yung dalawa." Natigilan siya sa sinabi ko. Napatulala nalang rin ako sa sarili ko.

NEVER GONE [SB19 FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora