CHAPTER 44

373 18 22
                                    

(Trigger Warning: mention of depression)

JUSTIN

"Nandito nga sa akin ang cake, pajulet-julet naman Ken Suson!" Naiiritang sabi ni Stell na ngayon ay katabi ko.

Tumawa si Ken. "Ako unang titikim niyan, ha!" Aniya.

Tumingin si Stell sa camera and he mouthed something, parang binabackstab si Ken.

"Oh, yung gift mo, nabitbit mo ba?" Tanong ko kay Ken.

"Syempre! Andito—oh, asan na? Shet." Narinig namin ang biglang pag panic ni Ken. "Hindi mo ba nakitang bitbit ko kanina?"

"Ewan, hindi ko napansin." Rinig naming sagot ni Josh.

"Hala, nakalimutan ko siguro!" Ani Ken. Nagtawanan ang mga kasama niya.

"Yan kasi puro ka cake!" Sabi ni Stell kay Ken.

Narinig pa namin ang pangungumbinsi ni Ken kay Josh na bumalik sa condo niya para kunin yung regalo bago pinatay ni Stell ang tawag. Hula ko ay nasermonan lang siya ng Josh dahil ang layo na nila at traffic pa.

Papunta kami ngayon sa condo ni Paulo para surpresahin siya dahil birthday niya ngayon. I'm with Stell, dala niya ang ginawa niyang cake. May bitbit naman akong gift. Kasama namin ang isa naming staff na siyang nagfifilm sa amin dahil iuupload namin ito sa YT. Si Josh at Ken naman ang magkasama, may kasama rin silang isa pang staff.

Wala pa sila Ken nang makarating kami sa condo kaya sa parking lot muna kami naghintay. Nang dumating na sila ay sabay-sabay na kaming pumasok.

"Papunta na kami ngayon sa unit ni Pau." Ani Josh habang nakatingin sa camera.

"Lumipad ang aming team para surpresahin ang leader ng SB19." Parang reporter na wika ni Stell.

"Ey, rhyme king!" Tawa ko.

Dinugtungan ni Ken ang sinabi ni Stell at nag rhyme din iyon. Hindi na sila tumigil hanggang sa nasa tapat na kami ng condo ni Paulo.

Tumahimik kaming lahat bago ako kumatok sa pinto.

"Baka tulog?" Bulong ni Stell dahil nakailang katok na ako ay wala pa rin si Paulo para pagbuksan kami.

One o'clock palang, I doubt na natutulog yon.

"May susi ako." Sabi ko sa kanila.

"Sige na, 'wag na natin siya hintayin." Sabi sa akin ni Josh kaya inilabas ko ang susi at binuksan ang pinto.

Madilim ang paligid nang makapasok kami. Hindi na namin binuksan ang ilaw para hindi malaman ni Paulo nandito kami.

Ako ang nanguna sa paglakad dahil kabisado ko na itong loob ng condo ni Paulo. Madalas akong nandito kaya kahit siguro nakapikit ako ay hindi ako mawawala dito. Nakasunod lang sa akin ang mga kasama ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Paulo at sumilip doon. Nakasarado ang kurtina kaya kahit umaga ay madilim. I narrowed my eyes para maaninag kung nasa kama ba si Paulo pero mukhang wala siya doon.

I sighed bago tuluyang buksan ang pintuan.

"Wala siya." I informed everyone.

Binuksan ko ang ilaw at nakumpirma kong tama ako.

"Sshh! Baka nandiyan lang yon!" Pabulong na sabi ni Stell.

Tahimik naming hinanap si Paulo sa kusina at ibang parte ng unit niya pero hindi namin siya nakita. Mukhang wala talaga siya rito ngayon.

Binuksan ko na ang ilaw sa living room.

"Baka lumabas kasama family niya?" Hula ng isa naming staff.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now